24/09/2026
LOCAL NEWS | 1,129 KILO NG BASURA, NAKOLEKTA SA COASTAL CLEANUP SA LUCENA CITY!
LUCENA CITY, QUEZON — Umabot sa 1,129 kilo ng basura ang nakolekta sa International Coastal Cleanup 2026 na isinagawa sa Barangay Talao-Talao, Lucena City nitong Sabado, Setyembre 19.
Pinangunahan ng SM Cares at SM City Lucena ang aktibidad na nilahukan ng humigit-kumulang 500 volunteers mula sa mga paaralan, government agencies, civic organizations, law enforcement at iba pang sektor.
Kabilang sa mga nakiisa ang BFP-Lucena, Philippine Coast Guard, PNP-Lucena, Girl Scouts at Boy Scouts of the Philippines-Lucena Council, TOWSOL, TOG 4 Air Force, PENRO Quezon, CENRO Tayabas, Quezon Tourism Office at mga tanggapan ng pamahalaang lungsod ng Lucena.
🌊 LAYUNIN: PROTEKTAHAN ANG KARAGATAN
Matapos ang pangongolekta, tinimbang ang mga basura sa designated collection area upang matukoy ang kabuuang nakolekta.
Ayon sa SM Supermalls, bahagi ito ng taunang environmental initiatives ng SM Cares upang makatulong sa pagbawas ng marine litter at pagpapalakas ng kamalayan sa responsableng pamamahala ng basura.
Ang International Coastal Cleanup ay isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre, na naglalayong pakilusin ang mga komunidad para sa mas malinis na baybayin at mas ligtas na karagatan.
💚 500 VOLUNTEERS + 1,129 KG BASURA = ISANG LUCENA PARA SA MALINIS NA KARAGATAN!
Nagpasalamat naman ang SM City Lucena sa lahat ng volunteers, partner agencies, organizations at Barangay Talao-Talao sa kanilang pakikiisa.
SPIN MEDIA | Balitang Lokal, Para sa Komunidad.