24/10/2025
๐๐๐๐ง๐จ๐ฅ๐ | ๐๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐, ๐ ๐ฎ๐ ๐ก๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐
Ni: Gela
Sa paggising ng mga magsasakaโt mga trabahador ng bawat hasyenda, may mga bulong at hiling sa hangin na sanaโy manumbalik ang nararapat na para sa kanilaโang lupang sakahan. Ilang taon na rin ang panawagan ng bawat pesanteng pinagkaitan ng karapatan sa lupang para naman sa kanila, ngunit patuloy itong inaangkin ng mga kasabwat ng pyudal at imperyalistang sistemang matagal nang bumubulag sa lipunan. Mga nagdo-dominang lokal at banyagang naghahari sa lupaing yaman ng mga magsasakaโmga nagpapakitang ang lupa, anila, ay hindi nararapat para sa mga nagbubungkal nito.
Sa bawat hampas ng araw sa kanilang batok at bawat patak ng pawis sa lupa, hindi lamang tubo o palay ang kanilang itinatanim, kundi pag-asaโpag-asang makakamtan din nila ang kalayaang ilang dekada nang inaasam ng bawat sektor ng lipunan.
๐ ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ
Sa mga tubuhan sa Negros, karaniwan nang tumatanggap ng halagang โฑ250 hanggang โฑ300 na sahod bawat araw ang mga manggagawa sa tirik na araw at nakakasulasok na init ng hanginโmalayong-malayo sa tinatawag na nakabubuhay na sahod.
โโYung sahod ngayon ng mga manggagawang bukid, (pati sa) tubuhan, ay matatawag naminโnatinโna isang mala-alipin na sahod,โ ani Mang Mario, isang manggagawa sa tubuhan ng Negros na matagal nang ginagawang kabuhayan ang pagiging bahagi ng sugar factory upang buhayin ang kaniyang pamilya.
Katulad ni Mang Mario, marami ang hindi kayang iwan ang sakahan. Ngunit marami rin sa kanila ang napipilitang umalis at maghanap ng trabaho sa lungsodโkaraniwan bilang construction worker o pansamantalang empleyadoโpara lamang may maipadalang bigas at pagkain sa kanilang pamilya.
Samantala, sa mga lungsod, madalas hindi natin namamalayan kung saan nanggagaling ang kinakain nating kanin o asukal. Walang alaala sa pinagmulan, ngunit may kasiguraduhang makakabangon ang mga kamay na minsang itinulak sa lupa upang magtanim, pagkatapos sa hapagkainan. Sa bawat tasa ng kape o piraso ng tinapay, may kasamang kuwento ng pagod at pawis ng mga taong paos nang manawagan ngunit bihira pa ring marinig para sa sapat nilang pangangailangan. Sa ganitong reyalidad, masasabi na ang kabusugan ng marami ay kabaligtaran ng gutom ng iilan.
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฝ๐ฎ
Isa sa mga dahilan ng pagmartsa ng mga pesante ay ang land use conversionโang unti-unting pagkakalbo ng mga dating luntiang taniman na ngayoโy ginagawang komersiyal, residensyal, o solar farms. Sa ilalim ng rehimen ni Marcos Jr., patuloy na isinasantabi ang kabuhayan ng mga magsasaka sa ngalan ng mga proyektong tulad ng Central Luzon Link Expressway, na sumakop ng humigit-kumulang 200 ektarya ng palayan, at ng North Luzon East Expressway, na tatama sa halos 470 ektarya pa ng matabang lupa.
Sa bawat ektaryang nawawala sa mga magsasaka, kasabay nitong nawawala ang kabuhayang pinaghirapan at minana nila mula sa kanilang mga ninuno. Kasabay nito, umalingawngaw din sa lansangan ang panawagan para sa pagbasura ng mga patakarang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka, kabilang na ang mga taripang pumapabor sa mga inaangkat na produkto. Sa dulo ng Mendiola, maririnig ang mga tinig ng hinaing at pagodโmga boses ng mga lumalaban nang patas ngunit pinagkakaitang pansinin ng mga naghaharing uri sa lipunang bulok ang sistema.
Ang kanilang mga iyak at pagsusumamo ay kasabay ng pagtaas ng mga karatulang naghahangad lamang ng kalayaan at patas na laban. At sa harap ng Department of Labor and Employment (DOLE), muling umalingawngaw ang sigaw: โ๐๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ!โ
๐ฆ๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐๐๐ฅ: ๐๐ผ๐๐ฒ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ฎ
Nitong ika-dalawampu ng Oktubre, nagkaroon ng dayalogo sa Department of Agrarian Reform (DAR) ukol sa mga kasamang magsasaka na nasa kustodiya ng Manila Police District. Kasabay nito, nagkasa ng petisyon ang mga grupong nagsusulong ng repormang agraryo.
Muling ipinanawagan ng mga lider-pesante ang agarang pagpapalaya sa mga ito, at ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryoโhindi lamang sa papel, kundi sa mismong lupaing matagal na nilang inaasam.
Sa bawat sigaw nila, may panalangin ding marinig, sa wakas, ang boses ng mga magsasakaโmga boses na paulit-ulit na humihingi ng lupa, katarungan, at dangal ng kanilang paggawa.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ฎ, ๐๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐๐ต๐ฎ๐
Para sa mga tulad ni Mang Mario, ang lupang sinasaka ay higit pa sa trabahoโito ay kabuhayan, pagkakakilanlan, at dignidad. Ngunit kahit sa pagputi ng uwakโna wariโy moโy kaaway ng lahatโpatuloy pa rin silang umaasa na balang araw, ang lupang kanilang sinasakahan ay masasabi nilang tunay na kanila, at hindi pag-aari ng mga panginoong maylupa na tila walang hanggan ang kapangyarihan.
Sa bawat hakbang ng martsa ng mga pesante, sa bawat sigaw ng panawagan, at sa bawat patak ng pawis sa daan, dala nila ang pag-asang darating ang araw na ang lupang buhay ay tunay na may nabubuhay.
Mula sa hanay ng mga magsasaka, sabay-sabay nilang binasag ang katahimikan: โ๐๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ!โ
Itoโy hindi lamang sigaw ng protesta, kundi panawagan ng katarunganโpara sa bawat palang kumakapit sa lupa, para sa bawat magbubukid, manggagawa, at pamilyang Pilipinong umaasa sa biyayang galing sa lupa. Sapagkat ang buhay na lupaโy laging kaagapay ng bawat namumuhay. At hanggaโt may mga paang handang maglakad sa putik, mga palad na handang muling magtanim, at mga pusong patuloy na lumalabanโang lupang buhay ay mananatiling may nabubuhay.
โ๏ธ Patinig
๐จ Justin Ray S.P. Datu