
13/01/2025
NGAYON ALAM KO NA!!!
Nauunawaan ko na ngayon
kung bakit maraming mag-asawa
ang nauuwi sa paghihiwalay kapag nagkaanak na sila.
Kadalasan,
hindi naiintindihan ng mga partner ang mga pinagdaraanan
ng isang ina—mentally, physically, at emotionally—
mula sa pagbubuntis hanggang sa postpartum.
Madalas ay iniisip nila na laging galit
o nag-iinarte lang ang ina,
pero ang totoo, hindi nila alam ang bigat ng sakripisyo
at pagtitiis na ginagawa ng isang ina
para lang hindi maapektuhan si baby.
Sa huli,
ang tunay na susi sa isang matatag na relasyon
ay communication, pagtitiis, at mas malalim na pag-unawa.
Kailangang mas pahabain pa ng mga partner
ang kanilang pasensya at mas intindihin ang kanilang mga ina.
Saludo ako sa lahat ng mga ina
na walang sawang lumalaban para sa kanilang mga anak at pamilya. ☺️