WinpinoTv.

WinpinoTv. Lakbay bike winpinoTv adventures! Dagat adventures! Sari saring pampa good vibes at ilang simpleng pagluluto ni "pinino" WinpinoTv.!

Please Follow my page thank you! 😊 🙏 ☺️ 💕

08/07/2025

May tumubong bakawan o mangrove tree at ang kuwentuhan sa isdang bangus! Magandang umaga tayoy mag delihensya ng pang ulam muli! 😀 July 08, 2025 Tuesday, 08:35 am.

06/07/2025

Ang mga bulaklak at ibon sa magtatanghaling tapat July 06, 2025.. Happy Birthday sa mga may birthday sa Buwan ng July 2025! Magandang araw po sa lahat.. Konting kuwentuhan lang live! 😀

30/06/2025

Ganito ang pamamaraan ng panghuhuli ng bulinaw at ibat iba pang klase na isda, sa pamamagitan ng pag aabang ng kawan o gabay ng isda ay nahuhuli ito! Pinapalibutan nila ng lambat, kukulungin at unti unting paliliitin ang lambat pabilog. Magandang araw po sa lahat! June 30, 2025 araw ng lunes 08:17 a.m..

30/06/2025

Ganito ang pamamaraan ng panghuhuli ng isda, sa pamamagitan ng pag aabang ng kawan o gabay ng isda ay nahuhuli ito! Pinapalibutan nila ng lambat, kukulungin at unti unting paliliitin ang lambat pabilog. Magandang araw po sa lahat! June 30, 2025 araw ng lunes 08:17 a.m..

30/06/2025

Magandang araw po sa lahat tanawin sa tabing dagat June 30, 2025 araw ng Lunes 08:17 ng umaga!

29/06/2025

Isdang tilapia! meron din palang kahawig ang isdang tilapia sa dagat kagaya ng isdang bangus na totoong bangus talaga na pinsan o kahawig ng isdang banak! Ganon din ang isdang tilapia sa dagat kung tawagin dahil sa hugis at anyo nito pero hindi kalasa ng isdang tilapiang tabang o yung galing sa ilog! Kalimitan sa buwang maalon at malamig kung saan naglalabasan o nagsisitubuan ang mga sea weeds at layak na sa gabi nakikita na nakatigil lang sa gitna ng tubig at hindi gumagalaw dahil natutulog lang na kayang kaya mong dakmain! Magandang araw po sa lahat ngayun ay araw ng linggo June 29, 2025 08:15 ng umaga ang videong ito. Ngayun ay kapistahan ni Apostol Pedro na isa ring mangingisda na pangunahing apostol ni Jesus!

26/06/2025

Prusisyon ng Mahal na Birhen ng Ina ng Laging Saklolo Plaridel Quezon. June 26, 2025. Shout out sa mga Sk members at sa mga participants!

23/06/2025

Ang galing palang kumanta ni muning nag live pa hahaha 😆

17/06/2025

Namunga na pala ang itinanim kong sitaw sa likod bahay at isa lang puno ang nag ka ige dahil kinaykay ng mababait na manok! 😅 Sana may dumaong na mangingisda makabili ng tulingan mailahok sa ginataang sitaw para fresh haha! 😄

10/06/2025

Throw back Endurance ride 160Kms./100 miles Bikebumbero challenge!
(Plaridel/GumacaBypassroad/Lopez/Catanauan/General Luna/Macalelon/Pitogo/Unisan/Atimonan/Siain.) Nakakatuwang balikan ang mga adventures na pinag daanan ko na kahit tamang fun rides lang at hindi naman talaga premyo ang habol ko ay naranasan ko paring sumali sa mga events na kagaya nito! Maging sa aming baranggay sinalihan ko nadin! Na try lang haha! Sa totoo lang kaya ako naging masaya ay hindi talaga ako nakaka tanggap ng mga ganitong certificates o medal manlang noong mga panahong elementary hanggang mag high school dahil hindi naman ako sumasali talaga sa mga palaro o pasiyahan dahil sa pagiging mahiyain ko! Mabuti na lamang ngayon ay naranasan ko na! Naging libangan ko ang pag bisikleta noong taong 2021 panahon ng pandemya at isang taon palang akong sumali sa pag bike ay nag 70 kms. 80 kms na ako fun rides! Sumunod nag 90 kms. na ako sa old zigzag road bitukang manok at sa town category naka 2nd place naman ako! Tapos nag 70 kms. uli tapos sumali sali din ako sa mga Fun Runs at marathon sa aming baranggay para aliwin at libangin ang sarili na totoo namang naka tulong din sa aking kalusugan at pakiki salamuha sa ibang tao! At yung latest nga natuwa ako dahil nabigyan ako ng certificates na isa ako doon na naka tanggap ng "The Ascendant Cyclist Award" sa pag sali at pag ahon sa buong Gumaca Bypass Road! Ito yung bike bumbero 160 Kms./ 100 miles endurance bike challenge na kahit hindi kabilisan ay nabigyan parin ng certificate basta maka finish line ay malakas ka na non! Eh kasi nga endurance ride pinilit ko talagang maka finish line 10 hours cut off, naka pasang awa naman! Grabe ang mga ahon at lusong! Bali dalawang beses ko namang ginawa itong 160Kms na rota na ito! Una nong praktis ko na walang sasaklolo sa akin na hindi ko naman magawang dayain ang sarili ko dahil ginabi na ako sa daan na wala ng masasakyan at wala ng ibang choice kundi tapusin ang 160kms na rota! Pagkatapos noon ay napilitan narin akong sumali at nagpa register na ako pag karaan ng ilang araw bago ang event kahit na alam kong puro ahon, kayat challenge accepted na agad! Ang ikinatuwa ko talaga dito ay ang adventure at ang pagtitiwala ko sa mga dasal ko na maging ligtas! Hindi ako napahamak, dininig talaga ang mga dasal ko! Nakaya ko! Naging matatag ako at ligtas! Hindi basta basta nasisiraan ng loob! Ang karanasan na ito ay pweding i-aply sa ating buhay na kung sakaling may hirap ay hinding hindi agad susuko o bibitaw kagaya ng endurance ride! Thank you Lord! Amen!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WinpinoTv. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share