The PCC Dimensions

The PCC Dimensions The Polangui Community College Official Student Publication

Today, September 2, we commemorate the 160th Birth Anniversary of General Simeon Ola, Albay’s local hero and the last Fi...
02/09/2025

Today, September 2, we commemorate the 160th Birth Anniversary of General Simeon Ola, Albay’s local hero and the last Filipino general to surrender during the Philippine-American War.

By virtue of Republic Act No. 11136, this annual celebration, known as “Simeon Ola Day,” honors his legacy of courage and patriotism. As we look back on his contributions, may we carry forward his spirit in building a nation grounded on unity and resilience.

Layout by | Mark James Borason, Applicant

𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 || As per Albay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, all local government units are authorized ...
31/08/2025

𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗡 || As per Albay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, all local government units are authorized to suspend in-person classes tomorrow, September 1, 2025, at their discretion, based on their assessment of weather conditions and PAGASA forecasts.

See the full advisory below:

Via | Adrian Baril, Associate Editor

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiwang natin ang wikang ating kinamulatan at wikang nagbubuklod sa bawat isa—ang Filipi...
31/08/2025

Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiwang natin ang wikang ating kinamulatan at wikang nagbubuklod sa bawat isa—ang Filipino at Wikang Katutubo—sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Sa pagpalit ng kalendaryo ay huwag sana nating isama ang kadakilaang ibinibigay nito sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Bagkos ay bigyang-halaga hindi lamang sa mga bilang na araw o buwan. Datapwat, habang nabubuhay ang lahing walang katumbas at habang nanalaytay ang dugong minsan nang siniil at dumanak—ay taas noo nating gamitin ang ating wika at isuot ang ating kultura bilang isang Pilipino.

Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang Kulturang Pilipino!

Pubmat by | Mark James Borason, Applicant

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 || Ipinagdiwang ng Polangui Community College (PCC), sa pangunguna ng SATAWI, ang pampinid na palatuntunan sa pag...
29/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 || Ipinagdiwang ng Polangui Community College (PCC), sa pangunguna ng SATAWI, ang pampinid na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika kanina, Agosto 29.

Tampok sa selebrasyon ang SAYAWIT na nilahukan ng BPED at BSED Filipino.

Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pagbati ni Dr. Ma. Joy S. Cruz kung saan binigyang-pugay niya ang mga tao sa likod ng aktibidad sa kabila ng hamon ng panahon.

"Datapwat maiksi lamang ang panahon na nailaan sa pagpaplano at pagsasagawa ng ibat ibang gawain ngunit [ito] ay masasabi kong matagumpay at sapat na upang ating maramdaman sa ating paligid at alalahanin—lalo na sa ngayon—ang ating kultura bilang tunay na Filipino," ani Dr. Cruz.

Naghandog din ang Collegian Playhouse ng mga katutubong sayaw para sa panalit bilang.

Sinundan ito ng pag-anunsyo at paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak.

Pormal na winakasan ni G. Rey Vincent Ragas, Pangulo ng SATAWI, sa pagpapasalamat sa mga nakibahagi at nakilahok sa kanilang mga aktibidad.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika, Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" ngayong taon ay naglalayong itampok ang mahalagang papel ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbubuo ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa ng sambayanan.

Ulat ni | Adrian Baril/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴
Mga kuhang larawan ni | John Mark Interno/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 || Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsama-sama ang mga mag-aaral ng Polangui Community College kah...
29/08/2025

𝗜𝗖𝗬𝗠𝗜 || Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsama-sama ang mga mag-aaral ng Polangui Community College kahapon, Agosto 28, upang makilahok sa iba’t ibang patimpalak na ginanap sa labas ng silid-aklatan.

Sabay-sabay isinagawa ang Paggawa ng Slogan, Sanaysayan at PINTAHusay na nilahukan ng 18 mag-aaral.

Samantala, ang paggawad ng mga sertipiko sa mga nagwagi at kalahok ay nakatakdang ganapin mamayang alas-2 ng hapon.

Ulat ni | Kristine Renomaro/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴
Mga Larawan | Jemina Agarin/SATAWI

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nagpakitang gilas ang tatlong makata at apat na mambabasa mula sa iba't ibang kurso para sa masining na pagpap...
29/08/2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nagpakitang gilas ang tatlong makata at apat na mambabasa mula sa iba't ibang kurso para sa masining na pagpapahayag sa patimpalak na Tula Tanghal at Madulang Pagbasa kaninang umaga, Agosto 29.

Nagsilbing mga hurado sa patimpalak sina G. Arnel Bonganay, MaEd, Gng. Joan Saminiano, MaFil, at Bb. Hannadhi Bruces, MaBioEd.

Pinaalalahanan naman ni Gng. Joan Saminiano, Tagapayo ng SATAWI, na ang magwawagi sa patimpalak na ito ay muling magtatanghal sa pampinid na palatuntunan na gaganapin mamayang hapon kasabay ng paggawad ng mga sertipiko sa nanalo at nakilahok.

Ulat ni | Adrian Baril/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 | BSEd Filipino 4 kampeon sa SALIKSIKANIpinamalas ng BSED Filipino 4 ang kanilang husay at kaalaman sa S.A...
29/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 | BSEd Filipino 4 kampeon sa SALIKSIKAN

Ipinamalas ng BSED Filipino 4 ang kanilang husay at kaalaman sa S.A.L.I.K.S.I.K.A.N o Sanayin at Linangin ang Intelektuwal na Kahusayan sa Iba't Ibang Kaalamang Filipino, ngayong umaga ng Agosto 29, 2025, bilang parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na inorganisa ng SATAWI.

Ang grupo ay kinabibilangan nina Shaira Salinel, Ma. Donna Borbe at Jerica Quebral na nakakuha ng 35 puntos na labis ang tuwa pagkatapos malaman ang resulta.

"Hindi namin inaasahan na mananalo kami dahil hindi naman kami nag-review kasi magba-back out na po sana kami. Pero hindi raw po pala pwede kaya tinuloy na lang namin."

Nasungkit naman ng BSED Filipino 2 ang ikalawang pwesto na nakakuha ng 33 puntos at ikatlo naman ang BSED English 1 na nakakuha naman ng 30 puntos.

Ang paggawad ng sertipiko sa mga nagwagi at kalahok ay gaganapin mamayang alas-2 ng hapon.

Ulat ni: Adrian Baril/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪 | Polangui Community College is facilitating the distribution of the Commission on Higher Education’s (CHE...
28/08/2025

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪 | Polangui Community College is facilitating the distribution of the Commission on Higher Education’s (CHED) Tulong Dunong Program (TDP) and Tertiary Education Subsidy (TES) for the first and second semesters of Academic Year 2023–2024, today, August 28, 2025, at the Accreditation Office.

Via | Rosevyl Quintanilla/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴
Photos | John Mark Interno/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 | Kasalukuyang inihahanda ng bawat organisasyon at departamento ang kani-kanilang booth alinsunod sa patim...
27/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 | Kasalukuyang inihahanda ng bawat organisasyon at departamento ang kani-kanilang booth alinsunod sa patimpalak sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".

Mga kuhang larawan ni Adrian Baril/𝘛𝘩𝘦𝘗𝘊𝘊𝘋𝘪𝘮𝘦𝘯𝘴𝘪𝘰𝘯𝘴

𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗔 | In view of the improving weather conditions, the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Counci...
26/08/2025

𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗔 | In view of the improving weather conditions, the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Albay hereby lifts the suspension of classes. Face-to-face classes shall resume tomorrow, August 27, 2025.

The public is advised to remain alert and to await further advisories regarding weather updates.

See the full memorandum below:

Via Rygine Mae Babiera, Editor-in-chief

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗶𝘀𝗮 𝗸𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶?Mula sa gabi-gabi mong pagtangis ng tahimik at araw-araw na pakikibaka ay para mo...
25/08/2025

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗶𝘀𝗮 𝗸𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶?

Mula sa gabi-gabi mong pagtangis ng tahimik
at araw-araw na pakikibaka
ay para mo na ring ibinuwis
ang iyong buhay sa digmaang
hindi naman nila nakikita.

Ang pagkubli
ng iyong tunay na nararamdaman
sa sitwasyong sila ang may gusto
ay kahulugan na ng pagkahuwaran.

Hindi lang tabâk at panitik
ang basehan ng katapangan
—gayundin ang paghihimagsik
para lamang may mapatunayan.

Sa maraming beses mong lumaban
nang mag-isa
ay daig mo pa ang isang tao
na dumaranas ng kahirapan
dahil sa pag-uusig at kamatayan.

Hindi na kailangan pang hugasan
ng dugo ang mga aspalto
o muling magdilim ang mundo.

Hindi rin kailangang mapaos
at maputol ang ugat sa lalamunan

—marami ka nang napatunayan.

Sapat na ang tapik
at pagpapatibay sa sarili.

Kayat sa maraming beses
na ikaw ay nagtataka
kung bakit nandito ka pa rin
at humihinga.

Simple lang, maraming beses mong
napagtagumpayan
ang tahimik mong mga laban.

Mga salita ni Adrian Baril, Associate Editor
Larawang guhit ni John Ken Corteza, Digital Artist

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Per the Department of the Interior and Local Government (DILG), all face-to-face classes in both public a...
25/08/2025

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | Per the Department of the Interior and Local Government (DILG), all face-to-face classes in both public and private schools across Albay are suspended tomorrow, August 26, 2025, due to the expected heavy rainfall brought by the Low Pressure Area (LPA).

Stay safe and remain alert for further updates and advisories from PAGASA, PDRRMC, and local authorities.

See the full memorandum below:

Via | Rygine Mae Babiera, Editor-in-chief

Address

Alnay
Polangui

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The PCC Dimensions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share