14/02/2026
Iwas po tayo sa talamak na mga scammera ngayong February 14 o sa lhat ng panahon.
Narito ang mga red flags sa romance scam na dapat bantayan ⚠️
🚩 1. Mabilis ang pagde-declare ng love
• Ilang araw o linggo pa lang, sinasabing “I love you” na.
• Pinaparamdam na ikaw na agad ang “the one.”
🚩 2. Ayaw ng video call o personal na pagkikita
• Laging may dahilan: nasa military raw, oil rig worker, doktor sa abroad, etc.
• Puro excuses kapag hinihingan ng video call.
🚩 3. Humihingi ng pera o financial help
• Biglaang emergency (hospital, visa, plane ticket, customs fee).
• Hinihingi ang padala via remittance, crypto, gift cards, o bank transfer.
🚩 4. Pinapahiwalay ka sa pamilya at kaibigan
• Sinasabing huwag ipaalam ang relasyon.
• Minamanipula ka para siya lang ang kausap mo.
🚩 5. Inconsistent ang kwento
• Iba-iba ang detalye ng trabaho, lokasyon, o buhay niya.
• May grammar errors o parang scripted ang messages.
🚩 6. Masyadong perpekto ang profile
• Model-level ang pictures.
• Konti lang ang friends o bagong gawa ang account.
🚩 7. Nagmamadali sa commitment
• Gusto agad magpakasal o magpadala ka ng documents.
• Pinapakuha ka ng loan para sa “future” ninyo.
________________________________________
💡 Ano ang dapat gawin?
• Huwag magpadala ng pera sa taong hindi mo pa nakikita nang personal.
• I-search ang larawan niya (reverse image search).
• Sabihin sa pamilya o kaibigan ang sitwasyon.
• I-report ang account sa platform.
゚ ゚