
12/06/2025
๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐ค๐จ
Hunyo 12. Araw ng watawat. Araw ng sigaw. Araw ng kasaysayan.
Sa bawat ihip ng hangin habang iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas, kasabay nito ang pag-alala sa mga tinig ng nakaraan -- mga tinig ng himagsikan, ng pagtindig, ng pagbuwis ng buhay para sa bayan.
127 taon na ang lumipas mula nang ideklara ang kasarinlan ng Pilipinas. Subalit hindi ito isang kuwentong natapos sa Kawit, Cavite. Itoโy patuloy na isinusulat -- araw-araw, sa bawat tahanan, paaralan, lansangan, at pamayanan.
Ngunit sa gitna ng makulay na watawat, makapangyarihang awit, at parada ng makabayan, tanungin natin...
Kanino ang kalayaan?
Kalayaan ba ito ng mga batang hindi makapasok sa paaralan?
Kalayaan ba ito ng mga manggagawang kulang ang kita, sobra ang pagod?
Kalayaan ba ito ng mga katutubo, mangingisda, at magsasakang pinapaalis sa sariling lupa?
Kalayaan ba ito ng mga tinig na pinatatahimik, ng mga karapatang kinakalimutan?
Ngayong 2025, minsan pang dala ng temang โKalayaan, Kinabukasan, at Kasaysayan,โ kailangan nating tanungin ang sarili... Paano natin isusulat ang kalayaan kung marami pa rin ang nakakadena?
Ang kasaysayan ay hindi lang koleksyon ng lumang petsa. Ito ay babala. Paalala. Gabay.
At ang kinabukasan ay hindi lang inaabangan -- ito ay pinaghahandaan, pinaglalaban, at pinoprotektahan.
Kabataan, hindi tayo tagapanood lang ng kasaysayan.
Tayo ang tagapagpatuloy.
Tayo ang tanong, at tayo rin ang sagot.
Tayo ang pagkilos sa panahong maraming natutulog sa tungkulin.
Hindi lahat ng labang makabayan ay kailangang may armas.
Minsan sapat na ang paninindigan.
Sapat na ang panawagan.
Sapat na ang pagtangging manahimik.
Hindi pa tapos ang laban.
Hindi pa tapos ang pagsusulat ng kalayaan.
At hindi pa tapos ang ating bahagi sa kasaysayan.
Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang lumalabang Pilipino.
//panulat ni Karl Efrhaim Camarador
//paglalapat ni Ann Hanyzel Delos Reyes