28/07/2026
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ 1 | ๐จ๐บ๐๐๐น๐ฎ๐ป ๐บ๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ก๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐บ๐๐ฟ๐ฎ๐น๐ 2026
โ
Sa kabila ng pabago-bagong klima ng panahon noong Sabado, Hulyo 25, 2026, matagumpay pa rin na isinagawa ng Poblacion Polomolok National High School ang kanilang Intramurals 2026 na may temang โUnited in Sports, Inspired for Excellenceโ na pinangunahan ng MAPEH Club Officers at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers. Naglalayon ang paligsahang ito na mapaunlad ang kalusugan, talento, disiplina, sportsmanship, at pagkakaisa ng mga mag-aaral bawat departamento ng buong paaralan. Dinaluhan din ang nasabing kaganapan ng mga magulang, alumni, at mga g**o na nagbigay suporta sa mga mag-aaral sa kanilang pagtatanghal.
โ
โNagsimula ang kaganapan sa pamamagitan ng parade na nagsimula sa Gate 3 at nagtapos sa Gate 1. Pormal namang binuksan ang programa sa pamamagitan ng panimulang panalangin at pag-awit ng mga hymns na inihanda ng Choir Members ng paaralan. Sinundan ito nina Ivana Irene D. Goitisolo, pangulo ng MAPEH Club, at Arvin Jay A. Allan, pangulo ng SSLG, na nagbigay ng welcome remarks at mensahe, ayon sa pagkakabanggit.
โ
โNagkaroon din ng lighting of the torch na pinangunahan ni Janella Rea D, Rica, Palarong Pambansa Bronze Medalist, at Palarong Pambansa at SRAA Athletes. Nagbigay rin ng mensahe ang punong-g**o ng paaralan na si Maโam Mary Ann F. Bajar na nagdeklara ng pagbubukas ng Intramurals 2026.
โ
โMatapos ang mga talumpati ay nagkaroon naman ng community dance ang mga mag-aaral kung saan ipinakita nila ang kanilang talento sa pagsayaw. Sinundan naman ito ng Yell Competition kung saan buong lakas nilang isinigaw ang kanilang mga cheers. Nagkaroon rin ng Taekwondo Exhibition sa huling parte ng programa.
โ
โPagkatapos ng programa ay ang pagpapatuloy ng mga laro sa ibaโt ibang panig ng paaralan. Kasama dito ay ang balibol, basketbol, e-games, amazing race, at marami pang iba. Mayroon ding mga booth na kung saan pinagkaguluhan ng mga mag-aaral.
โ
โAng matagumpay na pagsasagawa ng Intramurals 2026 ay patunay na ang palakasan ay hindi lamang tungkol sa panalo o pagkatalo. Ito ay isang pagkakataon upang malinang ang talento, mapaunlad ang karakter, at mahubog ang mga mag-aaral bilang responsableng indibidwal na may disiplina, integridad, at malasakit sa kapwa.
โ
โSa pagtatapos ng pagdiriwang, iniwan ng Intramurals ang isang mahalagang paalala sa bawat isaโna ang pagkakaisa, pagtitiyaga, at sama-samang pagsisikap ang tunay na susi sa tagumpay. Ang mga alaala, aral, at pagkakaibigang nabuo sa bawat laban ay magsisilbing inspirasyon upang patuloy na harapin ang mga hamon ng buhay nang may tapang, paggalang, at pagmamalaki sa pagiging bahagi ng iisang pamayanan.
โ
โ-----
โVia, Julian Carlo Francisco, AH Asst. Editor-in-Chief
โCaption by, Justine Zed Fagtanan, AH SciTech writer
โPhotos by, Dylan Gab Pareรฑo, AH Photojournalist, at Daniella Marie Hollero, AH Photojournalist