
27/08/2025
Yun pala
PEPSI SCANDAL
Noong 1992, nagkamali ang Pepsi na makapag-print ng tansan ng may code na 349, ito ay extension promo ng kumpanya para sa mga makakakuha o makakabili ng isang bote ng Pepsi ay kalakip nito ang tansang may pa-premyo.
Bago ang 349 fiasco, marami nang nabigay na pa-premyo ang Pepsi, mga combination number ito na ina-announce sa TV bawat linggo, sa pagkakataong ito, inanunsyo na may dalawang tansan na naglalaman ng code na 349, at bumili ng Pepsi ang buong bansa ng linggong iyon.
800,000 na tansan ang may print na 349 ngunit walang security code. Libu-libong Filipino ang lumusob sa tanggapan ng Pepsi at kini-claim ang tig-i-isang milyong piso.
Dahil sa pagkakamali, inanunsyo nilang 500 pesos lamang ang mabibigay nila kada tansan, 486,170 na tansan ang napalitan ng tig-500 pesos o tumataginting na 240 million pesos na lugi ng Pepsi.
22,023 na tao ang tumanggi sa 500 pesos at nagsampa ng kaso laban sa Pepsi, 689 civil suits at 5,200 criminal complaints para fraud and deception ang na-file laban sa Pepsi.
1996, lumabas ang resulta ng kaso, ang 5,899 na nagkaso, ay tumanggap ng tig-10,000 pesos. Mula noon hindi na masyado tinangkilik pa ang Pepsi sa Pilipinas.