10/05/2025
Mga Personal Request ng Isang G**o sa Darating na Eleksyon..
1. Sa Lunes, May 12 Ang Botohan ay magsisimula ng 5:00 ng Umaga NGUNIT Ang 5:00am -7:00am ay para lang po sa SENIORS, PWD at BUNTIS, maliwanag po ha? So wag po tayong magpumilit bumoto sa Oras na ito KUNG HINDI KA KABILANG SA TATLONG NABANGGIT ayon po ito sa batas na ibinigay samin ng COMELEC. ( Kahit malilate napo kayo sa work Hindi po yon excuse)
Ang REGULAR VOTING HOURS ay 7AM -7PM
2. Bago bumoto, Practisin nyo narin po Ang magsagot sa balota, Tanong Tanong muna po Kay You tube o kung sinong marunong, Hindi po Yung sa mismong election nagtututor parin po kami π₯
Ok lang po sana kung Hindi mahaba Ang pila pwede namin kayong ipamper π βοΈ
3. Isipin at ilista nyo napo sa papel kung sino mga iboboto nyo, Hindi po Yung samin pa kayo nagtatanong kung sino ba magaling sa mga kandidato, maryosep naman π.
4. Hanggat maaari ay p**i alalayan po Ang mga Seniors na mahina na, medyo tasky na sa kanila Ang pagpunta sa Voting Area. Although may mga task force na tumutulong sa kanila during election, Minsan sa Dami ng seniors Hindi narin maalalayan Yung iba. ( Mainit napo Ang ulo ng iba pagdating saminπ.)
5. Wagpo masyado excited bumoto na nagsisiksikan Tayo sa Umaga, Hanggang 7pm pa Botohan, medyo maluwag po sa hapon. Again, wag excitedπ
6. Isantabi po muna natin Ang init ng ulo, o kung anoman Ang pinagdadaanan sa Buhay sa Oras ng pagboto. Trending na Ang Road Rage wagna na tayong gumawa pa ng Election Rage!π (Baka may manigaw pa samin ng... Bakit nga ba??Bakit nga ba?? Tell me!!)
7. Ang Tatlong Pangunahing magseserve sa inyo sa election ay mga PROFESSIONAL TEACHERS ( though Haggard looking na kami sa hirap na dinadanas namin baka mapagkamalan nyo kaming taong grasa)
so please po Wag nyo kaming sigaw sigawan at duru-duruin na feeling entitled kayo sa loob ng presinto.
Kung may pagkakamali, daanin po natin Ang lahat sa MAHINAHON NA PAKIKIPAG USAP at MAY PAGRESPETO (P**i aaply ang Pinag-aralan sa GMRC )
And lastly....
SPECIAL REQUEST****
MALIGO BAGO BUMOTO!
Hilo napo Ang mga g**o sa pagod at puyat wag na nating dagdagan pa. πβοΈ
May we have a very PEACEFUL Election this Monday, Goodluck & Pray For Us! β€οΈβ€οΈβ€οΈ