
01/06/2025
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗖𝗔𝗟𝗟 𝗙𝗢𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗦𝗢𝗫 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗙𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪𝗦 | FOR SOUTH COTABATO BASED WRITERS
Muling magtitipon ang mga pluma sa isang palihang para sa pagsusulat. Sa panahong halos lahat ay ibinubunyag at ibinabandera, tatahak tayo patungo sa payapang kabundukan kung saan ang tanging tunog ay ang ihip ng hangin at huni ng kuliglig.
Dito, tayo'y maglalakbay patungo sa payapa, papalayo sa ingay, pabalik sa panulat.
𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 2025 𝘚𝘖𝘟 𝘞𝘳𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘞𝘰𝘳𝘬𝘴𝘩𝘰𝘱 𝘍𝘦𝘭𝘭𝘰𝘸, 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘴𝘢:
• 𝗣𝗼𝗲𝘁𝗿𝘆 – 3 o higit pang piyesa
• 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗙𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 – 1 piyesa, walang limitasyon sa bilang ng salita
• 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗡𝗼𝗻𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 – 1 piyesa, walang limitasyon sa bilang ng salita
1. Maaaring magpasa sa wikang Ingles o Filipino. Kung rehiyong wika ang gamit ay maaring malakip ng salin.
2. Isang lahok lamang ang maaaring ipasa.
3. Para sa mga manunulat na nakabase sa South Cotabato, ipadala ito sa [email protected]. Maaring mag-angkop ng bionote sa pagpasa.
4. Ipadala ito bago mag 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟮𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱. Pipiliin ng mga nakatalagang magscreen sa South Cot ang mga fellows mula sa probinsya nito bago opisyal na ipasa sa SWW '25 upang ianunsyo na maging ganap na fellow.
5. Sasagutin ang transportasyon, pagkain, at akomodasyon ng mga fellows sa workshop.
Sa marami katanungan at klaripikasyon ay magmensahe lamang sa Timog Literary Circle at Cotabato Literary Circle.
Para sa mga manunulat na nakabase sa ibang probinsya ng Rehiyon Dose, ay narito ang mga link:
📍𝙎𝙤𝙪𝙩𝙝 𝘾𝙤𝙩𝙖𝙗𝙖𝙩𝙤 - [email protected]
📍𝘾𝙤𝙩𝙖𝙗𝙖𝙩𝙤 - [email protected]
📍𝙎𝙪𝙡𝙩𝙖𝙣 𝙆𝙪𝙙𝙖𝙧𝙖𝙩 - [email protected]
📍𝙎𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙞 - https://forms.gle/nuURqw5h7y8SJ8ou6
📍𝙂𝙚𝙣𝙚𝙧𝙖𝙡 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨 𝘾𝙞𝙩𝙮 - https://tinyurl.com/yc8bptu2
Sa katahimikan, makikinig tayo.
Sa pagsasama, magtutulungan tayo.
Sa pagsulat, magpapatuloy tayo.
𝗞𝗶𝘁𝗮-𝗸𝗶𝘁𝗮, 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮-𝗸𝗶𝘁𝗮, 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮.