10/12/2025
DENR na mismo ang kumilos laban sa kumpanyang nasa likod ng Monterrazas residential project sa Cebu City. Ayon sa ahensya, nagsampa na sila ng criminal case noong December 3, 2025 laban sa korporasyon, kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code.
Paliwanag ng DENR Assistant Secretary for Legal Affairs and Enforcement Atty. Norlito Eneran, ang kaso ay may kinalaman sa umano’y illegal na pagmamay-ari o paggamit ng mga kagamitan at device na nakalaan lang sa forest officers. Kung mapatunayang guilty, may kaakibat itong parusang 2–4 taon na pagkakakulong, multang P1,000–P10,000, kumpiskasyon ng mga gamit, at awtomatikong pagkansela ng permit o lisensya. Samantala, nakipag-ugnayan na raw ang media sa Mont Property Group para sa kanilang panig, at hinihintay pa ang opisyal nilang pahayag.
Habang naghihintay tayo sa buong detalye at sagot ng developer, paalala ito kung gaano kahalaga ang masusing pagtalima sa environmental at land-use rules—lalo na sa malalaking proyekto sa kabundukan at watershed areas. Development dapat, pero hindi kapalit ang kalikasan at seguridad ng komunidad.