27/09/2019
Best in Costume (Female Category)
Best in Costume (Male Category)
Matagal nang natatapakan at nababalewala ang karapatan ng mga Pilipinong Magsasaka, at bilang mga kabataang Pilipino, isa sa ating mga tungkulin ang itaas ang kamalayan ng kapwa natin kabataan sa mga isyung tulad nito. Sa tulong ng aming mga kamag aral sa ika-12 baitang pangkat carmelo, nabuo ang kasuotang ito na naglalayong gumising sa kamalayan ng bawat kabataang naririto. Ang kasuotan ni Bb. Jessica Panganiban at G. Dominic Dionco ay binubuo ng mga plastic na sako na siyang sumisimbolo ng kanilang adbokasiya na tuluyan ng putulin ang paggamit ng plastic upang gamutin ang naghihingalo nating inang kalikasan. Sa kabilang banda, ito rin ay binubuo ng sakong tagalog, kung saan nagpapaalala sa mga Pilipinong magsasaka at sa kanilang mga karapatan. Ang payong na hawak ni Bb. Panganiban ay sumisimbolo sa ating Mundo, Noon at Ngayon.
Sila rin ay may suot na eskapularyo tanda na nariyan lamang si Hesus at Maria upang tayo'y gabayan tungo sa liwanag na ating inaasam.
Lagi nating tatandaan, na tayo ay mga Kabataang Pilipino na tinawag sa iisang misyon hindi lamang ng simbahan bagkus para rin sa ating Inang Kalikasan sapagkat tayo'y mga kabataang Minahal, Pinagpala at Pinalakas.
Kabataang Pilipino,
Kabataan ni Kristo.
Kabataang pag-asa ng mundo.
Padayon, Flos Carmeli!
Maraming maraming salamat sa aming mga g**ong taga payo, G. El Gideon Raymundo at Bb. Grace De leon