24/11/2025
Sa selebrasyon ng ika-90 anibersaryo ng Office of the Vice President (OVP) noong Nobyembre 14, napansin ng marami ang pagdalo ng ilang dating bise presidente at national leaders na matagal nang konektado sa iba’t ibang kontrobersya.
Present sa event sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo—mga personalidad na dati nang nasangkot sa mga isyu tulad ng jueteng scandal, NBN-ZTE deal, at Fertilizer Fund controversy. Dumalo rin ang anak ni Erap na si Sen. Jinggoy Estrada, na dati ring iniuugnay sa PDAF scam at ngayon ay iniimbestigahan umano kaugnay ng mga flood control projects.
Sa mismong programa na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte, kapansin-pansin na hindi lang dating posisyon ang nag-uugnay sa kanila, kundi pati ang mahabang listahan ng kontrobersiyang nakaangkla sa kanilang pangalan—na lalo pang umani ng reaksyon mula sa publiko.