05/11/2025
News Release
Department of Migrant Workers
November 3, 2025
๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป: ๐๐ถ๐๐ฎ-๐ณ๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด
Muling nagpaalala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipino na huwag basta magpapadala sa mga alok ng trabaho sa mga visa-free na bansa gaya ng Thailand at Malaysia โ dahil hindi awtomatikong puwedeng magtrabaho doon.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac, ginagamit ng mga sindikato ang โvisa-free entryโ para malinlang ang mga kababayan na nauuwi sa iligal na trabaho sa Myanmar, Cambodia, at iba pang bansa.
โIto ang napakahalagang mensahe: ang pagka visa-free ng ASEAN countries ay para sa turista lang po โyon. Hindi ibig sabihin na visa-free, puwede ka nang magtrabaho,โ ani Cacdac sa panayam sa radyo.
Mahigit 20 katao na ang naaresto sa mga operasyon ng DMW kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP), at iba pang ahensya. Kasama rito ang apat na illegal recruiter at isang Taiwanese national na nahuli sa Palawan at NAIA.
Halos 800 Pilipino na rin ang na-repatriate mula Myanmar, Cambodia, at Laos, habang higit 200 pa ang tinutulungang makauwi. โHindi tayo puwedeng magpakampante. Kailangan ng international cooperation para mapigil ang mga sindikato,โ dagdag ni Cacdac.
Pinaalalahanan ng DMW ang publiko na ang visa-free entry ay para lang sa turismo o short visits. Ang paggamit nito para magtrabaho ay ilegal at maaaring magdulot ng pagkaka-aresto, deportasyon, o habambuhay na ban.
Ang mga nais mag-report ng illegal recruitment ay maaaring tumawag sa DMW-OWWA Hotline 1348 o mag-email sa [email protected].
Katuwang ng DMW sa kampanya ang PAOCC, PNP, National Bureau of Investigation (NBI), at Department of Foreign Affairs (DFA), sa ilalim ng gabay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
# # #