01/09/2025
“MGA PAALALA PARA SA MAG-ASAWA”
1. Kapag may tampo o galit ang asawa mo, huwag mo nang sabayan.
👉Mas mainam na isa lang ang mainit ang ulo. Hayaan mong kumalma muna siya bago kayo mag-usap. Huwag din kayong matulog na may bitbit na sama ng loob.
2. Matutong magpigil ng emosyon.
👉Hindi tama na kapag galit ka ay mananakit ka, magmumura, o gagawa ng bagay na ikasasama ng relasyon. Disiplina at respeto ang kailangan.
3. Tanggapin ang kabuuan ng asawa mo.
👉Pinili mo siya, kasama ang lahat ng maganda at hindi maganda sa kanya. Walang perpekto, kaya ang pagtitiis at pang-unawa ay bahagi ng pagmamahalan.
4. Lutasin ang problema nang kayo lang.
👉Hindi kailangan ng kapitbahay, kaibigan, o Facebook sa bawat hindi pagkakaunawaan. Ang isyu ng mag-asawa, sa loob ng pamilya dapat tinatapos.
5. Huwag dibdibin ang mga salitang masakit kapag siya ay galit.
👉Tandaan, kapag bugso ng damdamin ang umiiral, madalas hindi maganda ang lumalabas sa bibig. Pakinggan lang, pero huwag itanim sa puso.
6. Laging ipakita ang lambing.
👉Simpleng yakap o hawak sa kamay ng asawa at mga anak ay nakapagpapagaan ng bigat ng loob at nakakatulong para gumaan ang problema.
7. Pahalagahan at papurihan ang asawa mo.
👉Kung maganda, gwapo, mabango—ikaw ang unang dapat makapansin at magsabi. Huwag hayaang ibang tao pa ang mag-appreciate bago ikaw.
8. Respeto at tiwala ang pundasyon.
👉Higit pa ito sa salitang “love.” Kapag may respeto at tiwala, mas matibay ang relasyon at hindi basta-basta masisira.
9. Ituring ang asawa bilang kaibigan.
👉Mas masaya kapag siya mismo ang kabarkada at kakampi mo sa lahat ng bagay.
10. Panatilihin ang bukas na komunikasyon.
👉Magkwentuhan, magbalikan ang alaala noong kayo’y nagliligawan, at kung maaari ay mag-date pa rin kahit mag-asawa na. Laging pag-usapan ang problema—huwag gawing batayan ng away.
💡 Tandaan: Kapag mabuting asawa ka, mas nagiging mabuti rin ang iyong kapareha. ♥️
Mommyche relate☺️