12/07/2025
Mahalin nyo palagi ang mga nanay, kumustahin nyo rin sila,
Kausapin nyo rin, bigyan ng oras para makipag kwentuhan, pilitin nyong tanungin sila kung ano kayo nung bata kayo, sigurado hinihintay nya lang yun, sigurado tatawa yan kasi ang daming maaalala yan.
Iiyak din yan kasi bigla nyang marerealize na nakayanan nya rin pala, sa dami ng magaganda at di magandang alaala, magiging thankful sila dahil sa idad nila ngayon kasama pa nila anak o asawa nila!
Swerte kung kasama pa nila, panu kung sya nalang mag isa sa bahay, kasambahay nalang ang kasama;( minsan wala pa kasi ayaw nila ng may kasama at lagi nilang sinasabi na “kaya ko pa” kahit ang totoo hindi na
Wala ng anak na tumatawag
Wala ng anak ang nangungumusta
Wala ng asawang kaaway at kakulitan sa loob ng bahay
Panu kung mga apo nalang ang kasama,
Apo na minsan di naman nakikinig sa lola,
Apo na minsan napabayaan ng sariling magulang kaya’t napabarkada.
May mga apo rin na swerte ang mga nanay nyo/natin kasi di lang sila minahal ng apo, tinuri silang parang sarili nilang ina.
iba iba ang kwento natin, marami man tayong pinagdadaanan, pilitin natin bigyan pansin ang mga nanay at lola na naghihintay nalang ng oras pero limited nalang ang oras na binibigay natin.
Nakakaiyak kasi, saka pa natin marerealized na sayang lahat ng oras na ginugol natin kaka scroll sa ibat ibang social media pag nawala na sila
Kinaya natin bigyan oras panoorin ang kwento ng ibang tao, sana kaya rin natin umupo sa tabi ni nanay/lola at hayaan nyo sila ang magkwento ng buhay na siguradong kakapulutan mo ng aral, at habang buhay mo yung dadalhin.