PAK CHECK Palawan

  • Home
  • PAK CHECK Palawan

PAK CHECK Palawan AYAW SA PLASTIC. GALIT SA FAKE NEWS. MAS GALIT SA BOBO. KUNG AYAW MO MANIHAWALA SA AMIN, EH DI I-GOOGLE MO, T*NGA!
(1)

TRICYCLE ROUTING SA PUERTO PRINCESA, PAKANA NI KONSEHAL ELGIN DAMASCOUmani ng matinding batikos ang umiiral na tricycle ...
11/06/2026

TRICYCLE ROUTING SA PUERTO PRINCESA, PAKANA NI KONSEHAL ELGIN DAMASCO

Umani ng matinding batikos ang umiiral na tricycle routing system sa Puerto Princesa City, kasunod ng mga ulat at hinaing mula sa ilang sektor na nagsasabing nagdudulot ito ng dagdag pahirap sa mga tricycle drivers at commuters.

Ayon sa mga alegasyon mula sa ilang transport groups at apektadong pasahero, ang mga pagbabago sa ruta ay nagresulta sa limitasyon ng galaw ng mga tricycle sa city proper, partikular sa ilang bahagi ng Rizal Avenue at iba pang pangunahing kalsada sa lungsod.

Dahil dito, mas humahaba umano ang aktuwal na tinatahak na ruta ng mga tricycle, na nagreresulta sa mas mataas na pamasahe at dagdag-gastos para sa mga commuter, lalo na sa mga ordinaryong manggagawa na umaasa sa murang transportasyon.

Sa gitna ng isyu, si Konsehal Elgin Damasco ang tinuturo ng ilang mga kasamahan niyang konsehal sa City Council na nagsulong ng mga regulasyon na may kaugnayan sa pagbabago ng routing policy.

Para sa mga drivers at commuters, ang kasalukuyang sistema ay nagdudulot umano ng dagdag na pasanin sa mga mahihirap na commuter sa halip na maging solusyon sa maayos na daloy ng trapiko sa lungsod.

Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng ilang grupo na muling repasuhin ang umiiral na patakaran sa tricycle routing upang matukoy kung ito ba ay tunay na nakakatulong sa transport system o nagreresulta lamang sa dagdag na gastos at hirap para sa publiko.

PALPAK? CITY GOV’T ATRAS SA LIBRENG GAMIT PANG-ESKWELA, P3,000 CASH NA LANG IBIBIGAY—POSIBLENG MAANTALA PA DAHIL SA ELEC...
10/06/2026

PALPAK? CITY GOV’T ATRAS SA LIBRENG GAMIT PANG-ESKWELA, P3,000 CASH NA LANG IBIBIGAY—POSIBLENG MAANTALA PA DAHIL SA ELECTION BAN

Kinumpirma ni City Councilor Victor Oliveros, chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod, na hindi na itutuloy ng City Government ang naunang plano nitong pamamahagi ng libreng school bags, supplies, sapatos, at uniform para sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Senior High School sa mahigit 100 pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa halip, P3,000 cash assistance na lamang ang planong ibibigay kada estudyante bilang kapalit ng naturang educational support program.

Ayon kay Oliveros, na siyang may-akda ng ordinansya para sa educational assistance, hindi na umano kakayanin ang distribusyon ng mga aktuwal na gamit bago ang pagbubukas ng klase dahil sa kakulangan sa oras at preparasyon. Dagdag pa niya, marami na rin umanong magulang ang nakapaghanda at nakabili na ng school supplies at uniporme para sa kanilang mga anak.

Gayunman, mas lumakas ang mga tanong mula sa iba’t ibang sektor kung bakit ngayon lamang nagkaroon ng malawakang pagbabago sa programa, gayong matagal na umanong alam ang iskedyul ng pasukan. Para sa mga kritiko, tila nagpapakita ito ng kakulangan sa maagang pagpaplano at maayos na implementasyon ng administrasyon.

Mas pinaiigting pa ang isyu dahil sa posibilidad na hindi rin agad maipamahagi ang P3,000 cash assistance, dahil maaari itong maapektuhan ng nalalapit na election ban kaugnay ng barangay election. Kung sakaling saklawin ito ng mga patakaran ng Commission on Elections, maaaring maantala o ma-freeze ang distribusyon sa mismong panahong inaasahan ito ng mga estudyante at magulang.

Sa ngayon, bumubuo pa umano ang city government ng isang team upang pag-aralan ang pinakamabilis at pinakaligtas na paraan ng pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng umiiral na mga regulasyon.

Habang patuloy ang paghahanda, nananatili ang tanong ng ilan: solusyon ba talaga ito sa pangangailangan ng mga estudyante, o senyales ng huling minutong pag-amin sa kahinaan ng preparasyon ng Bayron administration sa naturang programa?

MAYOR DANAO AT VICE MAYOR GASTANES NG NARRA, KINASUHAN SA OMBUDSMAN, ANG NAGKASO? PINSAN UMANO NG DATING MAYORKinumpirma...
10/06/2026

MAYOR DANAO AT VICE MAYOR GASTANES NG NARRA, KINASUHAN SA OMBUDSMAN, ANG NAGKASO? PINSAN UMANO NG DATING MAYOR

Kinumpirma ni Narra Mayor Gerandy Danao na nahaharap sila ni Vice Mayor Jojo Gastanes sa isang bagong reklamong isinampa sa Office of the Ombudsman.

Sa kanyang pahayag sa isinagawang flag ceremony nitong Hunyo 8, sinabi ni Danao na ang kaso ay may kaugnayan umano sa isang proyekto na hindi naibigay sa mga nagrereklamo sa bayan ng Narra. Pinangalanan din ng alkalde ang naghain ng reklamo na si Ace Diaz.

Ayon kay Danao, si Diaz ay pinsang buo umano ni Prince Demaala, anak ni dating Narra Mayor Lucy Demaala. Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang alkalde hinggil sa partikular na proyekto na naging ugat ng reklamo.

Iginiit naman ni Danao na handa siyang harapin at sagutin ang mga alegasyong isinampa laban sa kanya at sa bise alkalde. Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag sina Vice Mayor Gastanes at Ace Diaz kaugnay ng naturang usapin habang hinihintay ang magiging aksyon ng Ombudsman sa reklamo.

KONSEHAL DAMASCO, HUMINGI NG BASBAS AT SUPORTA KAY MAYOR BAYRON PARA MAGING MAYOR; MAYOR BAYRON BUMWELTAAyon sa mga mapa...
04/06/2026

KONSEHAL DAMASCO, HUMINGI NG BASBAS AT SUPORTA KAY MAYOR BAYRON PARA MAGING MAYOR; MAYOR BAYRON BUMWELTA

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source na malapit sa Pamilya Bayron, personal na kinausap ni Councilor Elgin Damasco si Mayor Lucilo Bayron upang humingi ng pampulitikang suporta para sa kanyang balak na kandidatura bilang Mayor ng Puerto Princesa City. Malinaw ang naging sagot ng alkalde: hindi. At hindi lang basta hindi, may kasamang masakit na paliwanag.

"Walang winnability si Damasco sa Puerto Princesa."
— Ayon sa mga malalapit sa Pamilya Bayron, ito ang tugon ni Mayor Bayron kay Damasco

Para sa isang konsehal na tatlong termino nang nakaluklok sa Puerto Princesa at nagpapakilalang marunong sa lahat, mula sa COA hanggang sa DILG, ang "walang winnability" mula sa pinaka-maimpluwensyang pamilya sa lungsod ay hindi ordinaryong pagtanggi.

Hindi lang basta tinanggihan si Damasco, may kapalit na agad ang puwesto sa isipan ng Pamilya Bayron. Ayon sa parehong mga pinagkukunan, malinaw na balak ni Mayor Bayron na si Raine Bayron, ang susunod na uupo bilang Mayor ng Puerto Princesa. Ibig sabihin: noong lumapit si Damasco, puno na ang upuan bago pa man niya nailabas ang kahilingan.

At ngayon, nahaharap si Damasco sa isang katanungan na marahil ay hindi niya inaasahang sasagutin sa ikatlong termino niya bilang konsehal: kung hindi siya tanggap sa Puerto Princesa, saan siya pupunta? Ayon sa mga kumakalat na balita, sineseryoso na umano ng Konsehal ang posibilidad na lumipat sa ibang bayan upang doon ituloy ang kanyang pangarap na maging mayor.

ELGIN DAMASCO, KILALANG NPA SUPPORTER SA MINDANAOKumakalat ngayon sa social media ang balita mula sa isang kilalang paha...
02/06/2026

ELGIN DAMASCO, KILALANG NPA SUPPORTER SA MINDANAO

Kumakalat ngayon sa social media ang balita mula sa isang kilalang pahayagan sa nangyaring komprontasyon na kinasangkutan ni Elgin Damasco at mga militar sa Davao City noong 2009.

Mas nagpatibay pa ng sinasabing pagsuporta ni Dasmasco sa New People's Army (NPA) ay ang pagkakainterview nito sa NPA Leader na si Commander Parago kung saan inulat nito ang panghaharras umano ng militar sa pamilya ng NPA Leader.

Ayon sa mga militar, ang mismong pagpasok ni Damasco sa kuta at kinaroroonan ng mga NPA leaders para kanyang mainterview ay malinaw na koneksyon nito sa makakaliwang grupo.

Ito rin umano ang tinuturong isa sa mga dahilan kung bakit lumipat si Damasco sa Palawan dahil mainit na ito sa mga militar sa Davao.

Base sa intel, si Damasco ang isa sa mga nagpapakalat ng propaganda ng mga makakaliwang grupo tulad ng NPA sa Davao at karatig lalawigan nito.

CARPIO KAY MARCOLETA - “NASA LOWEST RUNG NG CALIBER LAWYERS”?Hindi lahat ng araw ay may dating Mahistrado ng Korte Supre...
31/05/2026

CARPIO KAY MARCOLETA - “NASA LOWEST RUNG NG CALIBER LAWYERS”?

Hindi lahat ng araw ay may dating Mahistrado ng Korte Suprema na diretsahang bumabanat sa isang senador. Pero nang magsalita si dating Senior Associate Justice Antonio Carpio, hindi niya pinili ang diplomatikong daan.

Sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa West Philippine Sea at international law, umugong ang social media matapos maiulat na inilarawan ni Carpio si Senador Rodante Marcoleta bilang kabilang sa “lowest rung” ng caliber of lawyers. Isang pahayag na para sa marami ay hindi simpleng kritisismo kundi isang legal na knockout punch.

Ayon sa mga tagamasid, mabigat ang dating ng naturang komento dahil hindi ito nanggaling sa ordinaryong abogado. Si Carpio ay isa sa mga pangunahing personalidad na naging bahagi ng legal na laban ng Pilipinas sa West Philippine Sea, habang si Marcoleta naman ay matagal nang kilala sa kanyang matitinding pahayag sa pulitika at media.

Kaya naman tanong ngayon ng mga netizens: kung ang isang retiradong Mahistrado ng Korte Suprema ay nagsasabing may problema sa kalidad ng legal na argumento ng isang senador, sino ang mas dapat pakinggan ng publiko? Ang eksperto sa international law, o ang pulitikong mahilig maghamon ng debate sa telebisyon?

Habang wala pang malinaw na pagtatapos ang kanilang sagupaan, isang bagay ang sigurado—sa labanang ito, hindi lang opinyon ang nakataya. Pati reputasyon, kredibilidad, at legal na kaalaman ay nasa sentro ng bakbakan.

ELGIN DAMASCO, INGGIT KAY CONGRESSMAN ELMER CATULPOSMainit na pinag-uusapan ng ilang netizens ang paghahambing sa pagita...
31/05/2026

ELGIN DAMASCO, INGGIT KAY CONGRESSMAN ELMER CATULPOS

Mainit na pinag-uusapan ng ilang netizens ang paghahambing sa pagitan ng mga personalidad na sina Congressman Elmer Catulpos at Konsehal Elgin Damasco, lalo na pagdating sa impluwensya sa media at politika.

Ayon sa mga tagasubaybay, kapwa may kani-kaniyang audience at estilo ang dalawang personalidad. Gayunman, may ilan na nagsasabing mas malawak ang naabot ng kampo ni Congressman Catulpos dahil hindi lamang sa media nakilala ang kanilang grupo kundi maging sa larangan ng pulitika. Lalong lalo na ngayon ay ganap na siyang Kongresista. Samantalang si Damasco ay hindi na maka-akyat sa mas mataas na pwesto sa Puerto Princesa at hanggang konsehal na lamang siya.

Hindi rin pinalampas ng ilang mga observers ang estilo ng kanilang pagbabalita na kung saan kinukuha ng Brigada News ang bawat panig samantalang mahilig magakusa ng kung ano-ano si Damasco sa kanyang Facebook Live.

Dahil dito, hindi maiwasang magkaroon ng paghahambing kung sino ang may mas malaking impluwensya sa kasalukuyan at bakit umano naiingit si Elgin Damasco sa tinatamasang tagumpay ngayon ni Congressman Elmer Catulpos.

ISANG KONSEHAL, LIPAT-BAYAN PARA SA MAS MATAAS NA POSISYONMay isang usap-usapan ngayon sa political circles ng Palawan t...
31/05/2026

ISANG KONSEHAL, LIPAT-BAYAN PARA SA MAS MATAAS NA POSISYON

May isang usap-usapan ngayon sa political circles ng Palawan tungkol sa isang city councilor na umano’y nagbabalak lumipat ng residency sa bayan ng Aborlan, kahit hindi naman ito dating naninirahan doon.

Ayon sa ilang bulung-bulungan, posibleng hakbang umano ito para sa planong pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan. Kaya naman may mga residente na napapatanong kung ito ba ay tunay na intensyon ng paninilbihan, o bahagi lamang ng estratehiya sa politika.

May ilan ding netizens na naglalabas ng pag-aalala, dahil tila biglaan umano ang usaping paglilipat, kaya’t tanong ng iba: ano raw ba ang tunay na dahilan—serbisyo ba, ambisyon, o kapangyarihan?

Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa kampo ng naturang opisyal. Pero habang papalapit ang eleksyon, mas umiinit ang usapan sa mga planong paglipat at posibleng political maneuver sa lalawigan.

NETIZENS, MAY BANAT SA ILANG SENADOR: “HINDI VIDEO ANG DAPAT I-STRIKE OUT!”Umani ng samu’t saring reaksyon online matapo...
27/05/2026

NETIZENS, MAY BANAT SA ILANG SENADOR: “HINDI VIDEO ANG DAPAT I-STRIKE OUT!”

Umani ng samu’t saring reaksyon online matapos igiit ng minority bloc sa Senado na dapat umanong ipa-strike out ang isang kontrobersyal na propaganda video na iniuugnay kay Senadora Imee Marcos dahil sa umano’y maling impormasyon at mapanlinlang na nilalaman.

Pero habang abala ang ilan sa pagbatikos sa naturang video, may ibang netizens namang naglabas ng mas matinding opinyon. Ayon sa mga viral posts at comments, hindi raw video ang dapat alisin—kundi ilang senador mismo na umano’y hindi na nagsisilbi nang maayos sa interes ng publiko.

Kabilang sa madalas mabanggit online sina Rodante Marcoleta, B**g Go, at Robin Padilla. Ayon sa kanilang mga kritiko, mas dapat umanong “i-strike out” ng taumbayan sa susunod na halalan ang mga opisyal na tingin nila ay kulang sa paninindigan o hindi tumutugon sa tunay na isyu ng bansa.

Sa ngayon, nagiging maliwanag na sa publiko ang tunay na kulay ng ilang mga senador na nagsisilbi lamang para proteksyunan ang kanilang personal agenda at hindi ang pangangailangan ng mamamayan.

KONSEHAL ELGIN DAMASCO, NAGBABALAK UMANONG MAGTAYO NG SARILING PARTY-LIST Inihayag umano ni Elgin Damasco sa kaniyang ra...
23/05/2026

KONSEHAL ELGIN DAMASCO, NAGBABALAK UMANONG MAGTAYO NG SARILING PARTY-LIST

Inihayag umano ni Elgin Damasco sa kaniyang radio program ang plano nitong magtayo ng sariling party-list group matapos niyang banggitin na marami nang personalidad mula sa Palawan ang nakapasok sa Kongreso at Senado.

Ayon kay Damasco, lima na umano ang kongresistang may kaugnayan sa Palawan habang mayroon ding isang senador na mula sa lalawigan. Sa kanyang pahayag, nabanggit din niya ang ideya ng isang “Takusa Party-list,” kung saan pabirong sinabi niyang nais niyang isulong ang boses ng mga lalaking “takot sa asawa.”

Binanggit din ni Damasco na marami nang radio broadcasters ang naging matagumpay sa politika, kabilang umano ang ilang party-list representatives na may background sa media at radio broadcasting.

Samantala, may ilang netizens naman ang nag-uugnay sa naturang pahayag sa mga ulat na posibleng maupo sa Kongreso si Elmer V. Catulpos ng Brigada News FM bilang kinatawan ng 1Tahanan party-list. Ayon sa ilang komento online, tila naiinggit umano si Damasco sa pagpasok ng isa ring radio executive sa national politics, bagamat wala naman itong direktang kumpirmasyon mula sa kampo ng konsehal.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAK CHECK Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share