
28/07/2025
MOTORISTA, PATAY SA BANGGAAN NG MOTOR AT TRUCK SA BATARAZA, PALAWAN
Dead on arrival sa paggamutan ang isang motorista sa banggaan ng motorsiklo at truck sa National highway ng Brgy. Malihud, Bataraza, Palawan pasado 7:00 kagabi, July 27, 2025.
Kinilala lamang ng pulisya ang biktima sa alyas na Chiko, 37 years old, residente rin sa lugar, habang nakilala naman ang driver ng truck na si alyas Rey, 39 years old.
Sa naging imbestigasyon ng Bataraza MPS, binabaybay ng truck ang kahabaan ng Brgy. Malihud sa direksyon patungong norte, habang papatawid naman sa highway ang motorisklo.
Nagawa pa umanong mag-preno ng driver ng truck ngunit nagpang-abot pa rin sila ng motor na naging dahilan ng banggaan.
Dahil dito nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver ng motor at bumangga sa shoulder ng kalsada kung saan nagtamo ito ng matinding pinsala sa katawan na sinubukan pang dalhin sa pagamutan pero hindi na rin umabot pa ng buhay ang motorista.
DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.