26/12/2025
PANGOLIN, NASAGIP SA CORON, PALAWAN
TINGNAN: Isang critically endangered na pangolin ang ligtas na nasagip at naibalik sa kanyang natural na tirahan matapos matagpuan ng isang estudyante ng Palawan State University Coron sa kahabaan ng national highway sa Brgy. New Quezon, Busuanga noong Disyembre 21, 2025.
Agad na ini-report ng estudyanteng si Justine A. Natan ang insidente sa mga awtoridad, at sa tulong ng CENRO at PCSDS Coron, nakumpirmang maayos ang kalagayan ng hayop bago ito pinalaya sa angkop na lugar.
Muling iginiit ng PCSDS ang kahalagahan ng agarang koordinasyon sa mga kinauukulan sa tuwing may makikitang wildlife upang matiyak ang kanilang proteksyon at kaligtasan.
photo: PCSDS