14/02/2025
ππππππππ ππππππ, ππππππππ ππ πππ-ππππ πππππππππ ππ ππ ππππ; ππππππππ, πππππππππ
Arestado ang isang 50-anyos na tricycle driver ang nahuli sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Barangay Corong-Corong, El Nido, Palawan, pasado ala-una ng madaling araw noong Pebrero 12, 2025. Ang kasabwat niya, na kilala sa alyas na βBunso,β ay nakatakas.
Sa isang pinagsamang operasyon ng El Nido Municipal Police Station (MPS), Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU), at Provincial Intelligence Unit (PIU), sa koordinasyon ng PDEA-MIMAROPA, nahuli si alyas "Jerald", residente ng Brgy. Masagana, El Nido, Palawan.
Labindalawang (12) sachet ng hinihinalang shabu
Buy-bust money (β±500 tunay at β±7,000 boodle money)
Isang motorsiklo (Yamaha XT2 Sport)
Isang identification card
Coin purse at wallet
Bukod sa mga ebidensyang nakuha kay Jerald, isang sachet ng shabu ang binili mula sa tumakas na suspek na si alyas "Bunso".
Tinatayang nasa 13.51 gramo ang kabuuang bigat ng nakumpiskang droga na may halagang β±94,570. Kasalukuyang nasa kustodiya ng El Nido MPS si Jerald habang inihahanda ang kasong Paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 laban sa kanya, at kasong Paglabag sa Section 5 ng RA 9165 laban kay Juven Heredero alyas "Bunso", na patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad.
Via Palawan Daily News
π·PPO