23/09/2025
TINGNAN : COMMITTEE ON ENVIRONMENT NG BROOKE’S POINT, NAGPATAWAG NG PUBLIC CONSULTATION KAUGNAY SA PAGTATAAS NG MINING PRODUCTION NG IPILAN NICKEL
Nagpatawag ng public consultation ang Committee on Environment ng Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point, Palawan kaugnay sa kahilingan na pagtataas ng mining production ng Ipilan Nickel Corporation (INC), mula sa 1.5 million hanggang 3 million wet metric tons kada taon.
Dumalo sa public consultation si CENRO Renato Gonzaga ng Brooke’s Point, kawani ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ilang miyembro ng Municipal Council at barangay officials ng Brooke’s Point.
Ayon kay Konsehal Hayati B. Dugasan, Chairman ng nasabing komite, ang aktibidad ay naglalayong mabigyan ng pagkakataon na marinig ang saloobin at magsalita ang mga residente, opisyales ng barangay at mga katutubo na nasa impact barangays kaugnay sa usapin.
Sabi pa ni Dugasan, magiging basehan din umano nila ito sa komite sa magiging desisyon kung i-endorso o hindi ang kahilingan ng INC.
Nilinaw ng Ipilan Nickel na bagaman may plano silang magtaas ng produksyon, ay walang magbabago sa naaprubahan nilang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA).
Ayon kay G. Alex Arabis, OIC-Mine Manager ng Inc, ang produksiyon lang ang hiniling nila na itaas, at hindi sila lalagpas sa itinatakda ng batas, hindi magbabago sa area ng MPSA na 2,900 hectares.
via Romy Luzares