21/06/2025
Kung nagrereklamo ka sa trabaho mo, lumabas ka at mag-observe ka sa paligid mo.
Makikita mo ang mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng araw, kumakayod nang walang reklamo, at tumatanggap ng maliit na sahod para lang may maipakain sa kanilang pamilya. Makikita mo rin ang mga taong walang trabaho, desperadong naghahanap ng oportunidad, at patuloy na lumalaban sa kabila ng kawalan.
Kung minsan, ang pagkadismaya natin sa trabaho ay dulot ng pagtuon sa mga bagay na hindi natin gusto, ang stress, pagod, o paulit-ulit na gawain. Pero kung babalikan natin ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho ay para sa pamilya, para sa mga pangarap, para sa mas magandang kinabukasan, na mas maaalala natin ang halaga nito.
Ang trabaho, gaano man kahirap, ay biyaya. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magtrabaho, at hindi lahat ay may paraan upang kumita ng marangal. Kaya imbes na mag-focus sa reklamo, mag-focus sa pasasalamat at tanungin ang sarili: “Paano ko mapapabuti ang sitwasyon ko?”
Hindi masama ang mapagod o minsang mabuwisit sa trabaho, pero laging tandaan na ang pananaw mo ang magbibigay ng halaga sa ginagawa mo. Ang pagiging grateful at proactive ang susi sa mas magandang mindset at mas fulfilling na buhay.
Sa totoong buhay, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon. Kaya kung ikaw ay may trabaho ngayon, maging inspirasyon ka sa iba sa halip na magpakalat ng negativity. Magsimula sa pasasalamat at gumawa ng paraan para mag-grow.
| ctto