
17/04/2025
PUBLIC SERVICE PO MUNA TAYO:
Susubukan po nating humingi ng tulong sa karaniwang tao dahil Election Ban na ngayon. Pls. Care & Share. This is the least that we can do for Baby Sheanly a burn patient.
Late Post po ito at nabusy tayo. Ito po sulat ng ama ni Baby Sheanly.
Sa Kina-uukulan:
Magandang araw po, ako po si Renante C. Manga, isang magsasaka na kasalukuyang naninirahan sa Tinitian, Roxas, Palawan. Ako po ay humihingi ng tulong pinansyal para sa aking anak na si SHEANLY BANGCAYA MANGA, pitong buwang gulang (7 months old). Noong Marso 24, 2025 ay nasunog ang aming bahay at sa kasamaang palad ay naabot ng apoy ang aking anak. Napakabilis po ng pangyayari, kaagad po naming dinala sa Ospital ng Palawan (ONP). Dahil po sa walang burn facility ang nasabing hospital ay kailangang ilipat ang aking anak sa Ace Hospital upang bigyan ng kaukulang atensyon na naaayon sa kanyang kalagayan.
Ang mga bahagi po ng kanyang katawan na inabot ng sunog ay mukha, kanang braso hanggang sa mga daliri, kaliwa at kanang mga paa at balakang. Siya po ay ino-operahan sa bawat tatlong araw para alisin ang mga nasunog niyang balat. Umabot na po sa limang (5) operasyon ang naisagawa ng mga doktor. Nitong huli po ay pinutol na ang dulo ng kanyang hinlilit dahil sa hindi na ito dinadaluyan pa ng dugo. Ang natitira niyang mga daliri ay isusunod na ring tanggalin sa parehong dahilan bukas para sa pang-anim (6) niyang operasyon.
Sa bawat operasyon po ay kailangan naming magbayad ng Php 10,000.00 at maliban pa sa paunang bayad sa hospital bill na Php 15,000.00 bago nila isagawa ang bawat operasyon. Sa ngayon ay nasa Php 306,664.83 ang aming running bill. Ang 10% po nito ay kailangang bayaran na sa halagang Php 30,666.50 kung hindi ay ihihinto na ang pagsu-supply ng gamot ng ospital at mapipilitan kaming lahat ng gamot ay bibilhin sa labas. Kaya kami po ay kumakatok sa inyong mga puso upang matulungan kami sa kahit anumang halaga na galing po sa pasya ng inyong puso.
Ako po ay naniniwala na ako po ay inyong matutulungan sa ganitong panahon ng aking gipit na kalagayan.
Pagpalain nawa kayo ng Dios.
Lubos na umaasa at gumagalang,
RENANTE C. MANGA
Sa mga nais tumulong ito po ang GCASH # 0946 263 9270 Razel Manga
Yong mga Scammers dyan makonsensya naman kayo palagpaain nyo muna to.