103.1 Brigada News FM - Palawan

103.1 Brigada News FM - Palawan In the heart of changing lives, we help and inspire with dedicated, meaningful effort.
(272)

MISTER NA NABALIAN, HUMIHINGI NG TULONG SA PAMBAYAD NG BALANCE SA HOSPITAL BILLKumakatok sa puso ng mga Ka-Brigada si Ma...
13/10/2025

MISTER NA NABALIAN, HUMIHINGI NG TULONG SA PAMBAYAD NG BALANCE SA HOSPITAL BILL

Kumakatok sa puso ng mga Ka-Brigada si Mary Jane Madamay, isang mananahi mula sa Barangay San Jose, Puerto Princesa, upang humingi ng tulong para sa kanyang mister na si Mickel Madamay.

Ayon kay Mary Jane, nabalian ng kaliwang clavicle o collarbone ang kanyang asawa matapos maaksidente habang sakay ng motorsiklo noong Setyembre 7, 2025 sa Barangay San Manuel.

Papunta raw sana ito sa bahay ng kanyang ama nang biglang tumawid ang isang a*o, dahilan upang mawalan siya ng kontrol at maaksidente.

Nakalabas na ng ospital si Mickel noong Setyembre 12, ngunit hindi pa rin bayad ang mahigit ₱300,000 nilang hospital bill.

Nakahingi na sila ng tulong sa ilang ahensya ng gobyerno, ngunit hindi pa ito sapat upang mabayaran ang kabuuang halaga.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring ipadala ito sa kanilang Gcash account: 0936-567-4699.

Maraming salamat, Ka-Brigada!



13/10/2025

PANOORIN: PANININDAK NG CHINA SA BARKO NG PCG AT BFAR HINDI UMOBRA

LTO, PANSAMANTALANG SINUSPINDE ANG P5K MULTA SA IMPROVISED PLATESIpinagpaliban muna ni LTO Chief Assistant Secretary Mar...
13/10/2025

LTO, PANSAMANTALANG SINUSPINDE ANG P5K MULTA SA IMPROVISED PLATES

Ipinagpaliban muna ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang pagpapatupad ng Joint Administrative Order 2014-001, na nagtatakda ng ₱5,000 multa para sa mga motoristang gagamit ng improvised o temporary plate simula Nobyembre 1.

13/10/2025

PANOORIN: 1ST PALAWAN GOVERNOR'S CUP VOLLEYBALL, INILUNSAD SA BAYAN NG BROOKE'S POINT PALAWAN

PANAWAGAN: ANAK NANANAWAGAN NG TULONG PINANSYAL PARA SA AMANG MAY SAKITNananawagan ng tulong pinansyal si G. Ralph Dulla...
13/10/2025

PANAWAGAN: ANAK NANANAWAGAN NG TULONG PINANSYAL PARA SA AMANG MAY SAKIT

Nananawagan ng tulong pinansyal si G. Ralph Dulla, residente ng Purok Buhanginan, Bgy. San Manuel para sa kanyang tatay na si Federico Dulla 81 years old na kasalukuyang naka confine sa Ospital ng Palawan.

Kinakailangan kasi ng kanyang ama ng tulong para sa diaper nito at pambili ng gamot kasama na ang Oxygen at Oxygen Regulator sakaling makalabas ito ng ospital.

Walang sapat na kakayanan ang kanilang pamilya na mapunan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang ama, kaya’t nagbabakasakali ang mga ito ng tulong mula sa publiko.

Sa nais pong magpa-abot ng tulong maaaring magpadala sa Brigada GCash Account: 09167729540 J***S U. (ilagay lamang po kung para kanino ang ibibigay na tulong).

Para sa makabayaning pagtutulungan!

Maraming Salamat Ka-Brigada!


BALINTONG, NA-RESCUE NG GRUPO NG MGA MOTO VLOGGERSNa-rescue ng grupo ng mga motorista mula sa Moto Squad Palawan ang isa...
13/10/2025

BALINTONG, NA-RESCUE NG GRUPO NG MGA MOTO VLOGGERS

Na-rescue ng grupo ng mga motorista mula sa Moto Squad Palawan ang isang nanghihinang Balintong o Pangolin sa gitna ng kalsada sa Napsan Road, Puerto Princesa, gabi ng Oktubre 11, 2025.

Ang pangolin ay isa sa mga endangered species sa bansa.

Agad na dinala ng grupo ang nasagip na buhay ilang sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).



Courtesy: MANG MAGS

13/10/2025

PANOORIN: MAGKAANGKAS NA MENOR DE EDAD, NAHAGIP NG VAN SA ROXAS

12/10/2025

PANOORIN: 36 NA KILO NG COC@INE NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT 200M PESOS, NAREKOBER NG WPS

12/10/2025

Brigada Balita sa Umaga with Sarah Pelayre - October 13, 2025

SUSPEK SA GCASH SCAM, TUMAKAS MATAPOS BOLAHIN ANG SALES LADY SA PUERTO PRINCESA- ACTFAgad rumesponde ang Anti-Crime Task...
12/10/2025

SUSPEK SA GCASH SCAM, TUMAKAS MATAPOS BOLAHIN ANG SALES LADY SA PUERTO PRINCESA- ACTF

Agad rumesponde ang Anti-Crime Task Force sa isang insidente ng umano’y GCash scam sa isang cellphone repair shop sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City nitong Oktubre 12 ng gabi.

Ayon sa paunang impormasyon, isang lalaki ang lumapit umano sa tindahan upang magpa-reformat ng cellphone.

Ngunit nang suriin ng may-ari ang unit, napansin nitong babae ang nasa lock screen, dahilan upang magduda ito at hindi agad iproseso ang serbisyo.

Bandang alas-4:27 ng hapon, kinausap umano ng lalaki ang sales lady ng tindahan at napapayag itong magpadala ng GCash na nagkakahalaga ng ₱2,000.

Pagkatapos ng transaksyon, hindi na umano bumalik ang lalaki para kunin ang cellphone.

Kaagad namang nagsumite ng blotter report sa barangay ang may-ari ng tindahan hinggil sa pangyayari.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki, na ayon sa ulat ay may tattoo sa bra*o.

Samantala, bukas ang himpilan ng Brigada News FM sa panig ng naturang lalaki sakaling nais nitong magbigay ng kanyang pahayag hinggil sa insidente.

📣Congratulations Ka-Brigada Precy Legarte ng Barangay San Jose, Puerto Princesa City!🥳Nagbigay ng kanyang matapang na re...
12/10/2025

📣Congratulations Ka-Brigada Precy Legarte ng Barangay San Jose, Puerto Princesa City!🥳

Nagbigay ng kanyang matapang na reaksyon sa BANAT BRIGADA: ENGKWENTRO kaya’t may mainit na Pandesal mula sa Lea’s Bakeshop at Maxan Coffee!☕💜

Ireserba ang mga reaksyon sa BANAT ENGKWENTRO araw-araw tuwing Lunes-Sabado sa BANAT BRIGADA PROGRAM 6:00-7:00 ng umaga at baka ikaw na ang susunod na bibida.





12/10/2025

BRIGADA BALITA NATIONWIDE SA UMAGA - OCTOBER 13, 2025
Kasama sina Brigada Glenn Parungao at Brigada Gab Dalisay
===================
◍ HEADLINES:
===================
◍ Barko ng Pilipinas, muling binombahan ng tubig ng China sa Pag-asa Island; DFA, maghahain ng diplomatic protest

◍ Face-to-face classes sa Metro Manila, sinuspinde ng DepEd dahil sa fly cases

◍ Mga kapulisan, nagbarikada sa Forbes Park matapos ang kilos-protesta ni Cong. Kiko Barzaga

◍ Pamilya ng mga EJK victims, handang magsumite ng tugon sa apela ng dating pangulo Duterte

◍ 3-day transport strike ng MANIBELA, aarangkada na ngayong araw | via JIGO CUSTODIO

◍ Pangulong Marcos, personal na bibisita sa Davao Oriental para kumustahin ang mga naapektuhan ng lindol | via MARICAR SARGAN

◍ IEC campaign, paiigtingin ng NDRRMC sa paghahanda sa lindol | via CATH AUSTRIA

◍ Unprogrammed appropriations, magagamit sa calamity response ayon sa liderato ng Kamara | via HAJJI KAAMIÑO

◍ Mas mataas na pondo para sa post-disaster rehabilitation, itinutulak ng senador para sa 2026 national budget | via ANNE CORTEZ

◍ DSWD, nakapaghatid na ng P27-M halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao | via SHEILA MATIBAG
==================



TEXTLINE: 0954-340-7430
LISTEN VIA:
🌐 brigadanews.ph
📻 105.1 MHz (Mega Manila)
Facebook and YouTube: 105.1 Brigada News FM Manila
TikTok:
Twitter:
=====================
=====================
=====================

Address

3rd Floor, Business Alley 1 Building, National Highway, Barangay San Pedro
Puerto Princesa
5300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 103.1 Brigada News FM - Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 103.1 Brigada News FM - Palawan:

Share