02/12/2025
Taos-pusong nagpapasalamat ang Backride Pinas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang pagpahayag ng tulong upang maayos ang lahat ng kailangang dokumento at proseso para sa aming operasyon.
Malaki rin ang aming pasasalamat sa rekomendasyon at suporta ng aming Lokal na Pamahalaan (LGU), na naging susi upang maipakita sa LTFRB ang pangangailangan at benepisyo ng aming serbisyo sa komunidad.
Sa tulong ng LTFRB at ng LGU, mas malinaw at mas madali para sa Backride Pinas ang pag-comply sa mga requirements at pamantayang kinakailangan para maging ganap na lehitimo, ligtas, at maayos ang aming operasyon.
Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Nangangako ang Backride Pinas na patuloy na magbibigay ng tapat, ligtas, at de-kalidad na serbisyo para sa riding public.