29/11/2025
PUBLIC ADVISORY | BIR OPENS DIRECT EMAIL CHANNEL FOR COMPLAINTS, CONCERNS & AUDIT-RELATED FEEDBACK
Naglabas ng mahalagang paalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng Revenue Memorandum Circular No. 107-2025, na nagtatakda ng suspension of all audit and other field operations ng ahensya.
Sa ilalim ng bagong patakaran, ang publiko—kabilang ang mga taxpayers, business owners, at third-party observers—ay maaaring magsumite ng kanilang:
✔️ Mga reklamo
✔️ Mga concern
✔️ Mga suhestiyon
✔️ Mga isyu ukol sa audits, Letters of Authority (LOAs), at Mission Orders
direkta sa opisyal na email na ito:
📧 [email protected]
Ayon sa BIR, ang lahat ng submissions ay tatanggapin at rerepasuhin mismo ng Office of the Commissioner upang matiyak na ang bawat concern ay maayos at tamang natutugunan.
🔎 Layunin ng advisory:
• Palakasin ang transparency at accountability
• Bigyang boses ang publiko sa mga proseso ng audit
• Siguruhing responsable at mahusay ang operasyon ng BIR
Hinihikayat ng ahensya ang lahat na gamitin ang bagong kanal na ito upang makatulong sa mas episyenteng serbisyo publiko.
📸 Source: Bureau of Internal Revenue