26/09/2025
AYOKO NAMANG SABIHING MAY PUTOK ANG BRIDE KO PERO PARANG GANUN NA NGA...
Please huwag mo na po ipost ang Gmail account ko.
Hi KATVlog , Call me John , 30 yrs old, taga-Batangas (Seaman). Ako yung groom na kinasal kamakailan sa babaeng pinaka-minamahal ko, si Shiela, 29 (Teacher). Para sa amin, once-in-a-lifetime moment yun pinag-ipunan, pinagplanuhan, at pinangarap naming dalawa. Ang goal ko lang noon ay gawing perfect moment ang buong araw.
Pero sa totoo lang, Hindi ito tungkol sa gastos, hindi rin sa suppliers. Kundi dahil sa isang simpleng salita na nagmula hindi pa nga sa ibang tao, kundi sa mismong maid-of-honor niya ang matagal nang bestfriend ng asawa ko.
Since High School sila na ang magkasama.
Ganito kasi yun. Outdoor wedding yung samen last May, tanghaling tapat sa Palawan. Alam naman ng lahat , kahit gaano kaganda ang gown mo, kahit gaano ka-prepared, hindi mo talaga maiiwasan yung init, pawis, at kung minsan, natural body odor. Lalo paβt puno ng tao at puno ng excitement.
Habang nasa reception kami, biglang lumapit sa akin yung maid-of-honor. Serious yung face niya, bulong niya sa akin:
βJohn, baka pwedeng sabihin mo kay Shielaβ¦ medyo amoy kilikili na siya.β Ngtaka nga ako bakit pa saken niya sinabi? Bakit hindi na lang niya dineretso sa bestfriend niya?
Sa loob-loob ko, ito ba talaga ang naisip mong sabihin sa akin ngayon? Sa mismong araw ng kasal namin? Imbes na dagdagan mo yung confidence ng bride, binaba mo pa?
Ang masakit pa, hindi niya sinabi diretso kay Shiela. Sa akin idinaan parang ako pa yung kailangan maging messenger ng βbad news.β At kilala ko ang asawa ko: sobrang sensitive niya pagdating sa personal hygiene. Alam kong isang maliit na bagay lang, kaya niyang dalhin, pero sa wedding day niya? Alam kong malaking tama yun sa confidence niya.
Pero dahil ayaw ko siyang mapahiya kung sakali, sinubukan ko pa rin sabihin privately. Kitang-kita ko kung paano siya nataranta, kung paano biglang nag-iba yung aura niya. Nag-excuse siya agad. After 20mins Bumalik siya na fresh at mabango ulit, oo. Pero ramdam ko na nawala yung glow niya. Hindi na siya kasing relaxed, hindi na siya kasing saya.
After ng wedding namin wala naman siyang sinasabing mali saken.
Fast forward after honeymoon, kinausap niya ako. Umiiyak siya, sinasabi niya na nasira raw yung βbig dayβ niya dahil doon. Sabi niya, imbes na mag-focus siya sa pagmamahalan namin, naiisip niya lang baka may ibang nakakaamoy din. At ako raw ang nagsabi, kaya ako rin yung naging kontrabida sa mata niya.
Pero eto ang totoo: hindi naman galing sa akin yung obserbasyon. Galing sa bestfriend niya. Ako lang yung naipit sa gitna. Ako yung naging tagapagdala ng mensaheng hindi ko naman pinili. At ngayon, ako yung may kasalanan.
Para sa akin, ang maid-of-honor dapat hindi lang basta honest. Dapat marunong ding pumili ng timing, marunong mag-proteksyon sa moment ng bride. Hindi yung siya pa ang magiging dahilan kung bakit, kahit sandali lang, nawala yung ngiti sa mukha ng asawa ko.
Okay po kami ng asawa ko hanggang ngayon at mahal na mahal ko siya kahit pa lagi Kong naaamoy ang pawis ng Kili Kili Niya mamahalin ko parin siya.