26/07/2024
Madalas napapagusapan ang sakripisyo ng isang stay at home mom. Mga nanay na piniling i-let go ang kanilang hanapbuhay para mag-alaga ng kanilang mga anak.
saludo sa inyo, talagang napakahirap sa bahay.
Ngunit may isang klase ng ina na tingin ng nakakarami ay mas "masarap" ang buhay dahil may "pahinga" at panahon sa sarili. Sila ang mga working mom.
Sila ang mga nanay na gigising ng maaga ,magmamadaling magluto ng pagkain ng anak, maghahanda ng sarili para sa pagpasok sa trabaho.
Makikibaka sa byahe at kung walang sasakyan ay iexpose ang sarili para makasakay ng jeep, bus o fx.
Pagdating sa trabaho ay abala na sa mga kailangan gawin, madalas nalilipasan ng gutom dahil nagmamadaling makatapos para makauwi ng maaga.
Madalas silang mahusgahan
"sarap ng buhay, buti pa nga yan may time out sa bahay"
"Mukhang pera, di magresign para sa mga anak"
"May pagkakataon naman magtrabaho kapag malaki na anak, ayaw lang niyan talaga sa bahay"
Ang hindi alam ng iba, may dahilan sila tulad ng
✅ ito ang nakikita nilang paraan upang makadagdag ng pang gastos sa bahay
✅ di nila ito mabitawan dahil maayos na ang trabaho at mahirap ang magresign pagkatapos ay pagbalik maliit na ang kita, paano ang mga lumalaking bata
✅Tulong kay mister lalo na kung maliit ang kinikita
Sa totoo lang, ang mga working mom ay gusto din mgresign at makasama na lamang ang kanilang mga anak.
Hindi sila mukhang pera at pabayang ina, ito lamang ang nakikita nilang paraan upang mas mapaghandaan ang kinabukasan ng pamilya.
Masakit din sa kanila ang maiwan ang mga anak sa yaya, kapitbahay o kamag-anak, ngunit nilalakasan na ang kanilang kalooban upang mas maitaguyod ang pamilya.
Partida, uuwi yan na pagod pero pagharap sa mga anak ay magpapakaenergetic upang ang oras na wala sila sa bahay ay makabawi man lang sa kanilang mga anak.
Sa iyo working mom..you are doing great, kaya mo yan... laban.
CTTO