02/10/2024
Pumalo sa 4,269 individuals ang humabol at nagparehistro sa buong lalawigan ng Palawan sa huling araw ng voter's registration na itinakda ng COMELEC para makaboto sa 2025 National and Local Elections.
Sa kabuoan, umabot sa 96,096 ang lahat ng nagparehistro sa buong probinsya mula February 12 hanggang September 30.
Pinakamalaking bilang ng mga nagparehistro ay mula sa lungsod ng Puerto Princesa na umabot sa 38,688 na sinundan ng bayan ng Taytay na may 6,925 newly-registered voters habang pangatlo naman ang bayan ng Narra na mayroong 5,529.
Ayon kay Palawan Provincial Election Officer Atty. Percival Mendoza, kasama na sa bilang na ito ang mga nagpalipat ng address o tirahan, nagpalit ng pangalan, reactivation at iba pa.
Sinabi pa ni Mendoza hindi na magkakaroon pa ng extension ng voter's registration sa Palawan dahil hindi naman ito kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyo sa bansa at nag-extend na sila ng oras noong huling araw ng voter's registration upang ma-accomodate ang lahat ng mga nakapila sa COMELEC offices.
Via Chris Barrientos / DWIZ Palawan