Radyo Bandera Philippines

Radyo Bandera Philippines "Iwawagayway ang Bandera ng Malayang Pamamahayag" ANG PINAKARESPETADO SA NEWS AND CURRENT AFFAIRS. Maging maingat sa pagtingin sa sensitibong nilalaman.
(698)

Ang Radyo Bandera Philippines ay isang independyenteng media organization mula sa Palawan na naglalayong maghatid ng tama at napapanahong impormasyon para sa publiko.

⚠️ PAALALA: Lahat ng nilalaman ay para sa pagbabalita, pampublikong impormasyon, at edukasyonal na layunin lamang. Hindi kami konektado o nagsusulong ng anumang partido politikal, sugal, o produktong pangkalusugan maliban na lamang kung tahasang binanggit.

GOVERNOR AMY ALVAREZ, KINONDENA ANG PAGPATAY KAY ATTY. JOSHUA ABRINA; PUBLIKO, HINIKAYAT NA MAGTULUNGAN PARA MAKAMIT ANG...
20/09/2025

GOVERNOR AMY ALVAREZ, KINONDENA ANG PAGPATAY KAY ATTY. JOSHUA ABRINA; PUBLIKO, HINIKAYAT NA MAGTULUNGAN PARA MAKAMIT ANG HUSTISYA!

“My heart is heavy today. When I was informed about the tragic death of Atty. Joshua L. Abrina three days ago, I began to read the stories and messages shared about him, accounts of a principled lawyer, a devoted public servant, and most of all, a good husband and a loving father. I may not have known him personally, but the respect and admiration expressed by so many speak clearly of the life he lived and the service he gave.

Walang lugar ang ganitong uri ng karahasan sa ating lalawigan. I strongly condemn this act and call for a swift, thorough investigation para agad mapanagot ang mga responsable.

As Governor, I stand with you in our shared resolve to keep Palawan peaceful, orderly, and safe. Magtulungan tayo para makamit ang hustisya para kay Atty. Joshua at para sa kanyang pamilya. Sama-sama nating ipaglalaban ang katahimikan at katarungan para sa bawat Palaweño.”

Via: Amy Roa Alvarez - Public Servant

DALAWANG SASAKYAN, MAGKASUNOD NA NAAKSIDENTE SA MAGKAIBANG BARANGAY SA ROXAS, PALAWANDalawang sasakyan ang magkasunod na...
20/09/2025

DALAWANG SASAKYAN, MAGKASUNOD NA NAAKSIDENTE SA MAGKAIBANG BARANGAY SA ROXAS, PALAWAN

Dalawang sasakyan ang magkasunod na naaksidente sa magkaibang barangay sa Roxas, Palawan, ngayong araw, Setyembre 20.

Sa impormasyon na nakalap ng news team, naitala ang aksidente sa kahabaan ng Brgy. San Jose at Brgy. New Cuyo, Roxas Palawan.

At dahil umano sa madulas ang kalsada sa lugar ay naaksidente ang naturang mga sasakyan.

Samantala, wala namang naitalang indibidwal na nasaktan sa insidente. (Pao Conde)

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

BASAHIN: PASOK SA GOVERNMENT OFFICES SA LUNES, SETYEMBRE 22, IDINEKLARANG HALF-DAY NG MALACAÑANG!Ipinag-utos ng Malacaña...
20/09/2025

BASAHIN: PASOK SA GOVERNMENT OFFICES SA LUNES, SETYEMBRE 22, IDINEKLARANG HALF-DAY NG MALACAÑANG!

Ipinag-utos ng Malacañang na suspindihin ang trabaho sa mga tanggapan ng Ehekutibo ng gobyerno sa Setyembre 22, 2025 (Lunes), simula 1:00 PM, bilang paggunita sa 33rd National Family Week.

➡️ Samantala, ang mga ahensyang may tungkulin sa pangunahing serbisyo gaya ng kalusugan, paghahanda/pagtugon sa sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy ng operasyon.

Via: City Information Department of Puerto Princesa

PPCPO, HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA MAKIPAGTULUNGAN SA MGA OTORIDAD ANG SINUMANG MAY IMPORMASYON O KINALAMAN SA PAGPATAY KAY...
20/09/2025

PPCPO, HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA MAKIPAGTULUNGAN SA MGA OTORIDAD ANG SINUMANG MAY IMPORMASYON O KINALAMAN SA PAGPATAY KAY ATTY. JOSHUA ABRINA

"Hinihikayat po namin ang lahat ng mamamayan na may kaalaman o impormasyong may kinalaman sa kaso ng pamamaslang kay Atty. Joshua L. Abrina na makipagtulungan sa ating mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, may nakalaang gantimpala o reward para sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon o ebidensya na makatutulong sa paglutas ng nasabing kaso.

Tinitiyak ng kapulisan na ang pagkakakilanlan ng sinumang magbibigay ng impormasyon ay mananatiling mahigpit na kumpidensyal upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at seguridad. Kung kayo po ay may nalalaman na maaaring makatulong sa imbestigasyon, maaari kayong lumapit sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o dumulog nang personal sa Puerto Princesa City Police Office, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City. Maaari rin po kayong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng aming mga hotline numbers: SMART 0998-598-5903 at GLOBE 0977-855-7732.

Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalaga upang makamit ang katarungan para kay Atty. Abrina at upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa Lungsod ng Puerto Princesa."

Via: Puerto Princesa City Police Office

LALAKI SAPUL SA CCTV MATAPOS UMANONG NAKAWIN ANG HELMET NA NAKAPATONG SA ISANG NAKAPARADANG MOTORSIKLO SA ISANG OSPITAL ...
20/09/2025

LALAKI SAPUL SA CCTV MATAPOS UMANONG NAKAWIN ANG HELMET NA NAKAPATONG SA ISANG NAKAPARADANG MOTORSIKLO SA ISANG OSPITAL SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA

Sapul sa CCTV ang pagtangay ng lalaki sa helmet na nakapatong sa isang nakaparadang motorsiklo kahapon, bandang 8:45am sa isang ospital sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa facebook post ni Glynn Gotladera:

“Good day po. Gusto ko lang pong ipaalam at magbigay babala.

Kahapon habang naka-duty kami sa Coop Hospital, ninakaw po ang helmet ko (White, Full Face Evo) bandang 8:45 AM. Kita po sa CCTV ng hospital ang kumuha.

Kung sino man po ang may kakilala sa taong ito, pakipagbigay-alam agad sa akin. Hindi po natin dapat tinotolerate ang ganitong klaseng gawain, lalo na sa loob ng ospital kung saan lahat tayo ay nagbibigay ng ating service.

Nawa’y magsilbing paalala ito sa lahat na mag-ingat at maging mapagmatyag.

Maraming salamat po!”

Photo Courtesy: Glynn Gotladera

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

20/09/2025

PANOORIN: LALAKI SAPUL SA CCTV MATAPOS UMANONG NAKAWIN ANG HELMET NA NAKAPATONG SA ISANG NAKAPARADANG MOTORSIKLO SA ISANG OSPITAL SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA

Sapul sa CCTV ang pagtangay ng lalaki sa helmet na nakapatong sa isang nakaparadang motorsiklo kahapon, bandang 8:45am sa isang ospital sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa facebook post ni Glynn Gotladera:

“Good day po. Gusto ko lang pong ipaalam at magbigay babala.

Kahapon habang naka-duty kami sa Coop Hospital, ninakaw po ang helmet ko (White, Full Face Evo) bandang 8:45 AM. Kita po sa CCTV ng hospital ang kumuha.

Kung sino man po ang may kakilala sa taong ito, pakipagbigay-alam agad sa akin. Hindi po natin dapat tinotolerate ang ganitong klaseng gawain, lalo na sa loob ng ospital kung saan lahat tayo ay nagbibigay ng ating service.

Nawa’y magsilbing paalala ito sa lahat na mag-ingat at maging mapagmatyag.

Maraming salamat po!”

Video Courtesy: Glynn Gotladera

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

20/09/2025

PANAWAGAN: TULONG PINANSYAL PARA MAKABAYAD SA DOCTOR’S FEE NG APO NITONG NAKA-ADMIT SA ISANG OSPITAL

Nanawagan si Susan Muñez ng tulong pinansyal para makabayad sa doctor’s fee ng apo nito na si Luren Arriesgado na kasalukuyang naka-admit sa ace hospital.

Ayon kay nanay Susan, papayagan na sila ng doktor na makaalis sa ospital basta’t mabayaran nila ang doctor’s fee na nasa P100,000, pero hangga’t hindi sila nakakabayad ay mas lalaki ang kanilang hospital bill na ngayon ay nasa P300,000 pa.

Panawagan naman ni nanay Susan sa ating mga kababayan na may ginintuang puso, na sana’y tulungan sila, maliit man umano o malaki ay taos-puso nitong tatanggapin at pasasalamatan.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, makipag-ugnayan lamang sa numerong: (0981-799-5215)- Maraming salamat mga ka-bandera!

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

PALAWAN ISA SA PINAG-IINGAT SA POSIBLENG PAGBAHA DULOT NG MALAKAS NA PAG-ULAN NA DALA NG BAGYONG NANDOFLOOD ADVISORY ⚠️P...
20/09/2025

PALAWAN ISA SA PINAG-IINGAT SA POSIBLENG PAGBAHA DULOT NG MALAKAS NA PAG-ULAN NA DALA NG BAGYONG NANDO

FLOOD ADVISORY ⚠️

Patuloy ang malakas na pag-ulan at thunderstorms na dala ng Severe Tropical Storm ngayong Sabado, Setyembre 20, 2025, ayon sa PAGASA.

Mag-ingat sa posibleng pagbaha sa Batangas, Quezon, Rizal, Cavite, Laguna, Palawan, Mindoro, Romblon, Marinduque, Catanduanes, Camarines, Sorsogon, Albay, Masbate, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, at Biliran.

Pinapayuhan ang lahat na sumubaybay sa updates ng DOST-PAGASA at lokal na pamahalaan at tumawag sa 911 o NDRRMC (02-8911-5061 hanggang 65) para sa agarang tulong.

Via: Presidential Communications Office

PANAWAGAN: TULONG PINANSYAL PARA SA GAMOT NG AMANG MAY KARAMDAMANNanawagan ngayon si Niña Erica Favila Rubio ng tulong p...
20/09/2025

PANAWAGAN: TULONG PINANSYAL PARA SA GAMOT NG AMANG MAY KARAMDAMAN

Nanawagan ngayon si Niña Erica Favila Rubio ng tulong pinansyal upang makabili ng gamot para sa ama nitong may karamdaman.

Sa facebook post ni Niña:

“Magandang araw po sa lahat!

Narito po ako upang humingi ng tulong financial para sa aking tatay na si Ricardo Rubio na may sakit na Liver Cirrhosis at HEPA B.

Dahil po malaki at may mga kamahalan yung mga gamot n'ya at dahil wala na rin po kaming pweding lapitan na hingian ng tulong.

kung kaya't Narito po ako para humingi ng tulong sa inyo and prayers na rin po para sa patuloy na pag galing ni tatay sa kanyang sakit.

Malaki man o maliit ang inyong maibigay ay buong puso naming pasasalamatan sa inyo.”

Sa ating mga kabandera na nais magpaabot ng tulong:

Gcash number: 09101323509 (Niña Erica Rubio)

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

PUBLIC CONSULTATION NG IPILAN NICKEL CORPORATION ISINAGAWA SA BROOKE’S POIT, PALAWANIsinasagawa ngayong araw ang Public ...
20/09/2025

PUBLIC CONSULTATION NG IPILAN NICKEL CORPORATION ISINAGAWA SA BROOKE’S POIT, PALAWAN

Isinasagawa ngayong araw ang Public Consultation ng Ipilan Nickel Corporation sa Brgy. Maasin Covered Court, Brookes Point, Palawan.

Dumalo sa nasabing konsultasyon ang ipilan nickel corporation, sanggunian Bayan ng Brookes Point, at si Sb Hayatti Dugasan, Committee on Enviromental Protection and Natural Resources.

Ganun din ang representative mula sa DENR, PCSD, at ang anti-mining group, pro mining, at ang Brookes Point MPS. (Erwin Laoreno)

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

BAGYONG NANDO PATULOY NA NANANALASA SA LOOB NG PAR, HABANG ANG BAGYONG MITAG AY MINO-MONITOR PA RIN NG PAGASA SA LABAS N...
20/09/2025

BAGYONG NANDO PATULOY NA NANANALASA SA LOOB NG PAR, HABANG ANG BAGYONG MITAG AY MINO-MONITOR PA RIN NG PAGASA SA LABAS NG BANSA

Patuloy na nananalasa ang bagyong Nando na binabantayan pa rin ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, si Nando ay lumakas sa typhoon category mula sa tropical depression.

Samantala, patuloy pa ring mino-monitor ang isa pang bagyo na si Mitag, na nasa labas ng bansa.

Photo Courtesy: DOST-PAGASA

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

96 days nalang, Pasko na~
20/09/2025

96 days nalang, Pasko na~

Address

Macasaet Business Complex, Roxas Street
Puerto Princesa
5300

Telephone

+639272060032

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Bandera Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Bandera Philippines:

Share