04/11/2025
ILANG RESIDENTE SA DINAGAT ISLANDS, NAPILITANG MAGTAGO SA IMBURNAL DAHIL SA BAGYONG TINO
Napilitang magtago sa imburnal ang 14 na pamilya, kabilang ang isang sanggol na tatlong buwan pa lamang, matapos ang matinding hagupit ng Bagyong Tino sa Purok Gomez, Barangay San Jose, Dinagat Islands.
Ayon sa ulat ni Jabes Juanite, makikita ang mapanganib na kalagayan ng mga residente na nanganganib sa pagtaas ng tubig-baha habang patuloy ang malakas na hangin at walang tigil na ulan sa lugar.
Ipinapakita ng sitwasyong ito ang hirap na dinaranas ng mga pamilya sa gitna ng masamang panahon at ang kailangang agarang pagtugon ng mga kinauukulan para sa kanilang kaligtasan at tulong. |Gilbert Basio
Courtesy: Sayvie Bobis Vlog