04/09/2025
MOMMY ROSE VERSUS AMY ALVAREZ?
Maugong ngayon sa norte ng Palawan ang balitang may isang Salvame na tatakbo sa 2028. Hindi pa malinaw kung sino, pero malakas ang bulong-bulungan na ito raw ay ang misis ng yumaong lider—si Mommy Rose mismo. Totoo kaya ito?
Kung sino man ang nasa likod ng planong ito, tila malakas ang loob pero kulang sa isip.
Ayon sa mga marites sa norte, nakikita raw nila ang kahinaan sa liderato ni Governor Amy Alvarez. Kesyo imbes na ibida ang mga malalaking programa, mas binigyang-diin lang ang pagpapasweldo ng iilang “bataan” niya—kumpara raw sa libo-libong pinapasuweldo ng nakaraang administrasyon ni Socrates na hindi pa nakakasweldo. Isang buwan na lang bago ang State of the Province Address para magpakitang-gilas, ngunit wala pa raw maipakitang malinaw na accomplishment si Amy, maliban sa mga photo ops kasama ang mga bisita sa Kapitolyo.
Pero sino nga ba ang nagtutulak sa isang Salvame para lumaban sa 2028? Simple lang daw ang sagot: mga pulitikong may sariling ambisyon—sa probinsya at sa lungsod—na ngayon pa lang ay gustong makipag-alyansa sa mga Salvame habang inaakalang mahina ang performance ni Governor Amy.
Ngunit hindi ganoon kadaling tibagin si Amy. Maliban sa sarili niyang pera, nakahanda rin ang kayamanan ng kanyang ama. Nandiyan din ang buong suporta ng makinarya ng JPM sa buong lalawigan, na mas lalong tumibay nang magkaisa ang JPM at JTR na dati’y magkalaban. Sina Jose Alvarez at Joel Reyes ang nagsisilbing bakod at proteksyon ng Kapitolyo laban sa mga gustong sumalakay.
Pero matindi rin ang diskarte ng mga nagtutulak sa isang Salvame. Ginagamit nila ang mga isyu sa national para pahinain ang kampo ng Alvarez. May ilang media writers na tila inutusan para idawit si Board Member Anton Alvarez sa mga flood control projects, habang pilit ding ginugupo ang mga local contractors.
Hindi lang si Jose Alvarez ang target. Si Joel Reyes din—na ngayo’y halos wasak na ang imahe—patuloy na ginagapang ng mga series ng komentaryo sa media. Ang motibo: sirain ang suporta sa kanya para makuha ang grupo niya na noong 2025 ay kumampi kay Governor Amy.
Ang mas malupit? Ang divide and rule tactic na balak gamitin sa Salvame camp. Ayon sa usap-usapan, kahit wasak na raw ang pangalan ni Joel Reyes, kukunin pa rin siya para mabuo ang isang “superpower tandem” sa 2028:
• Governor – Mommy Rose Salvame
• Vice Governor – Dennis Socrates
• Congressman (North) – Joel Reyes
• Congressman (3rd) - Lucilo Bayron
• Congressman (South) – Abraham “Abe” Ibba, ang diumano’y secret billionaire
• City Mayor - Abraham Mitra
Aba, matindi nga ang plano.
Ano sa tingin ninyo—seryosong taktika ba ito, o isa lang malaking ilusyon?