16/05/2026
Hindi lang sila mga lider sa simbahan, kundi sila ang mga ginamit ng Diyos bilang kasangkapan para hubugin ang iyong pagkatao, itama ang iyong mga paraan, at gabayan ka sa bawat hakbang mo.
Simula pa noong estudyante pa lamang ako sa kolehiyo, hanggang sa naging empleyado, Naghanap ng simbahan,
Upang ipagpatuloy ang paglilingkod sa Panginoon, nagpagamit sa ministeryo.
Ngunit, hindi kailanman nakalimutan kung saan ako nagsimula, at kung sino ang mga unang nag-alaga at nagturo sa akin ng katotohanan.
Marami mang nakaharap na hamon sa buhay Kristyano, mga hindi pagkakaunawaan, pagkukulang, o pagsubok . Pero sa gitna ng lahat ng ito, hindi ka tumingin sa kahinaan ng tao, hindi ka nakatuon sa kung ano ang kulang o mali sa iba. Sa halip, ang hinanap at nakita mo ay ang katapatan ng Diyos. Napatunayan mo mismo na kahit ano pa ang mangyari, kahit gaano kabigat ang sitwasyon, ipinapakita pa rin ng Diyos ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa lahat ng taong nananatili at nagtitiwala sa kanya.🥹
Dear Church🫂
Huwag nating kalimutan at huwag nating babalewalain ang ating mga Pastors/Leaders/Mentors at ang ating espirituwal na tahanan. Higit sa lahat, tungkulin nating ingatan at protektahan sila mula sa masasamang salita at panghuhusga. Mahalin, suportahan, at pahalagahan sila dahil sila rin ay mga taong may sariling kahinaan, sariling hamon, at sariling laban sa buhay, pero patuloy silang naglilingkod dahil sa pagmamahal nila sa Diyos at sa atin.
Nagpapasalamat din po ako sa aking mga Pastor, dahil hindi sila nagsawang gumabay sa amin at ipanalangin kami. Kahit na maraming hamon at pagsubok ang dumating sa kanilang buhay kahit mahirap, nakakapagod, o masakit hindi sila sumuko sa Panginoon at sa tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Ang Prayers, ko ay patuloy silang pagpalain, gabayan, at palakasin ng Diyos sa lahat ng kanilang gagawin.🙏
Sa Huli, Ang tunay na paglilingkod at pananampalataya ay nakikita sa kung paano mo pinahahalagahan ang mga taong ginamit ng Diyos para hubugin ka, at kung paano mo pinipiling makita ang kabutihan ng Diyos kahit sa gitna ng hindi perpektong sitwasyon.
Maraming Salamat po😊