26/01/2026
JANUARY 26, 2026
Hello kapatid👋🫶
"NAKALAYA KA NA SA DILIM, WAG KANA BUMALIK SA DATI MONG BUHAY."
📖The Light shines in the Darkness, and the darkness can never extinguish it..
-JOHN 1:5 (NLT)
💡Minsan sa buhay natin, parang ang dilim. Nakakapagod, puro problema, at mga kabiguan ang nakikita natin. Pero kapatid ito ang pinakamagandang balita: Sa sinabi ni Lord ang llaw na hindi kayang talunin ng kahit anong dilim. Hindi niya tau pinababayaan. Hinahatak tau ng Diyos palabas ng dilim at binibigyan ng bagong lakas at simula.
Tandaan mo kapatid:
kapag pinatawad ka ni Lord, hindi ka na dapat pang alipin ng kadiliman. May lakas kana para talikuran ang mga mali at lumakad sa tamang Direksyon Oo, madilim pa ang mundo dahil puno ng kasamaan pero may mission ka kapatid dapat mo gawin, ito ang magningning sa pamilya mo at sa iba. Ang liwanag mo na galing sa ating Panginoon
📢Paalala lang kapatid:
✅Laging lumapit kay Lord, Siya ang llaw.
✅Kapag nakalaya ka na mula sa dilim, wag ka nang babalik pa Dati mong buhay.
✅Magningning lalo na sa pamilya, doon nagsisimula ang ilaw mo.
🙏Always pray kapatid:
For example: Panginoong Hesus, salamat sa liwanag Mo sa buhay ko. Tulungan Mo akong maging ilaw sa pamilya at sa iba. Sa pangalan ni Hesus, Amen🙌.
🤔Ang Tanong kapatid :
Anong meron ka na kailangan mo pang isuko kay Lord?
Ishare mo naman kapatid para may ma-encourage ka.
Jesus Loves you kapatid🫶
God bless!!☺👋
🫶