07/03/2025
"TALO"
UNA PALANG ALAM KO NANG TALO,
DAHIL MAGKAIBA ANG ATING MUNDO,
MAGKAISA MAN ANG ATING MGA PUSO,
HINDI PARIN NATIN ΤΟ ΜΑIPAPANALO, HANGGANG DULO.
SA PAG IBIG NATING ITOY PATULOY PARIN AKONG SUMUGAL,
KAHIT ALAM KO NA ANG MAHALIN KA'Y BAWAL,
AT KAHIT ALAM KO NA ITO'Y MAY KATAPUSAN,
AT HINDI MAGTATAGAL, DAHIL SAYO LANG NARAMDAMAN,
ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL,
TILA BA'Y NAKAGAPOS ANG ATING MGA KAMAY,
SA PAG IBIG NA BAWAL MARAMING NADADAMAY,
KALIWA'T KANAN ANG UMAAYAW,
AT PILIT TAYONG PINAGHIHIWALAY,
NGUNIT AYAW NATIN SA ISA'T ISA'Y MAWALAY,
BAKIT PA TAYO PINAGTAGPO NI TADHANA?
KUNG MAGKAIBA ANG ATING PANINIWALA,
NGUNIT WALA RIN NAMAN TAYONG MAGAGAWA,
KAHIT IPILIT PA NATIN ANG ISA'T ISA,
LALO LANG TAYO MAGKAKASALA,
KAHIT IPILIT PA NATING IABANTE.
ANG MAGING TAYO SA HULI AY IMPOSIBLE,
SABI NGA NILA "HUWAG PILITIN ANG DI PWEDE.