05/08/2025
my one and only (unpaid) employee setting up my table for MFW Caravan
(i love him so much)
๐๐
๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Umarangkada ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 25, ang Metaverse Filipino Workers (MFW) Caravan para sa ikatlo at huli nitong yugto nang pag-iikot na ginanap sa Edward S. Hagedorn Coliseum.
Ang MFW Caravan ay isang inisyatibo ng Yield Guild Games (YGG) Pilipinas, katuwang ang Department of Information Communications Technology (DICT) Mimaropa, City Government of Puerto Princesa, City Department of Education, at ilang local government partnered agencies na naglalayong mabigyan ng opportunities ang mga kabataan at online creators, sa pamamagitan ng digital programs, at ma-enhance ang kanilang digital skills para sa online careers.
Ayon kay Mench Dizon, Country Head ng YGG Pilipinas, matagal ng misyon ng YGG na matulungan at mabigyan ng opportunities ang mga Pilipino na makapagtrabaho online nang hindi na kinakailangang lumayo sa kanilang mga pamilya.
โWe really started with the dream of how we could help the many Filipinos to have their work in their respective provinces so they donโt have to leave their families, their cities, their towns and so they can have work where they are. So, it was a mission that has always been part of YGGโs history,โ saad ni Dizon.
Dinaluhan naman ito ng mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod, kabilang na ang Palawan State University, Palawan National School, PPC National Science High School, mga private groups, at ilang local artist.
Sa nasabing caravan ay maaaring matuto at maglaro ang mga estudyante ng mga inihandang games ng YGG at manalo ng mga papremyo. Bukod dito, may ilang private companies din ang lumahok upang tumanggap ng mga aplikante na naghahanap ng trabaho.
via Lance Factor | Palawan Daily News