RMN Palawan

RMN Palawan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RMN Palawan, Media/News Company, Bm, Road, Puerto Princesa.

COUNTDOWN | 3 Days na lang, Pasko na! 🎄
22/12/2025

COUNTDOWN | 3 Days na lang, Pasko na! 🎄

HALOS 200 KA*O NG LEPTOSPIROSIS, NAITALA SA PALAWAN AT PUERTO PRINCESA CITY; 11 NASAWIUmakyat na sa halos 200 ang naitat...
22/12/2025

HALOS 200 KA*O NG LEPTOSPIROSIS, NAITALA SA PALAWAN AT PUERTO PRINCESA CITY; 11 NASAWI

Umakyat na sa halos 200 ang naitatalang ka*o ng leptospirosis sa lalawigan ng Palawan at Puerto Princesa City ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH) MIMAROPA. Sa kabuuang bilang, 11 ang naitalang nasawi.

Sa datos ng Center for Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH MIMAROPA, nasa 188 ang kabuuang ka*o ng leptospirosis sa lalawigan ng Palawan. Sa bilang na ito, 50 ang naitala sa Puerto Princesa City kung saan lima ang nasawi.

Ang Roxas, Palawan umabot sa 54 ang naitalang ka*o na may isang namatay, habang 12 naman ang naitala sa Narra kabilang narin ang isang namatay.

Habang nakapagtala rin na nasawi sa mga bayan ng Aborlan, Sofronio Española, Taytay, at San Vicente na may bilang na tag-iisa.

Sa kabuohan ay 384 ka*o ng leptospirosis at 45 ang nawalan ng buhay sa buong rehiyon ng Mimaropa.

Paalala ng DOH, mahalagang kumonsulta agad sa pinakamalapit na doktor o health center sa loob ng 24 oras matapos lumusong sa baha, lalo na’t hindi lamang sa ihi ng daga nagmumula ang bakterya na nagdudulot ng leptospirosis.

Pinapayuhan din ang publiko na magsuot ng bota at iwasan ang paglusong sa baha hangga’t maaari.

Source / Courtesy: CREATE MIMAROPA

EX-DPWH EXEC DECLARED DEAD AFTER BEING FOUND BY THE RIVER IN KENNON ROAD Resigned Department of Public Works and Highway...
18/12/2025

EX-DPWH EXEC DECLARED DEAD AFTER BEING FOUND BY THE RIVER IN KENNON ROAD

Resigned Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral was found “unconscious and unresponsive” along the Bued River at Kennon Road on Thursday night, December 18, according to the Police Regional Office–Cordillera.

Police said Cabral had been missing for several hours after asking her driver to leave her alone along a populated section of Kennon Road in Sitio Camp 5, Barangay Camp 4, Tuba, Benguet, while they were traveling from Baguio City to La Union.

Her chauffeur reported returning later that afternoon but failing to locate her, prompting a search.

Authorities later found Cabral about 30 meters from the riverbank.

First responders from Tuba retrieved her, though police did not immediately confirm which hospital she was taken to or her condition following the incident.

Cabral previously oversaw planning and public-private partnership projects at the DPWH and had been linked to alleged flood control and infrastructure irregularities, which she denied.

She resigned in September but was summoned by the Independent Commission on Infrastructure earlier this month in connection with ongoing investigations.

The area where Cabral was found is near infrastructure projects earlier flagged by President Ferdinand Marcos Jr. for possible anomalies.

📷 Benguet Police

JUST IN | SARAH DISCAYA, INARESTO NA NG NBISi Sarah Discaya ay dawit sa P96.5-million ghost flood control project sa Dav...
18/12/2025

JUST IN | SARAH DISCAYA, INARESTO NA NG NBI

Si Sarah Discaya ay dawit sa P96.5-million ghost flood control project sa Davao Occidental.

JUST IN | PAMPASAHERONG VAN NAAKSIDINTE SA BGY. IRAAN ABORLAN, PALAWAN   Ayon kay Ji Ng Ky: "Disgrasya nga nman ohSitio ...
16/12/2025

JUST IN | PAMPASAHERONG VAN NAAKSIDINTE SA BGY. IRAAN ABORLAN, PALAWAN

Ayon kay Ji Ng Ky: "Disgrasya nga nman oh
Sitio Mayligan Brgy. Iraan Aborlan guys. Nawalan ng preno, kawawa mga pasahero."

ROCKET DEBRIS NG CHINA POSIBLENG BUMAGSAK SA LOOB NG PH WATERS — PHILSAKinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) an...
12/12/2025

ROCKET DEBRIS NG CHINA POSIBLENG BUMAGSAK SA LOOB NG PH WATERS — PHILSA

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang nakatakdang paglulunsad ng Long March 12 rocket ng China ngayong Disyembre 12, 2025, ganap na alas-7:00 ng umaga (oras sa Pilipinas) mula sa Hainan, China.

Ayon sa PhilSA, posibleng mahulog ang ilang bahagi o debris ng rocket sa itinakdang drop zone na matatagpuan sa loob ng Philippine archipelagic waters.

Tinatayang nasa 23 nautical miles ito mula sa Puerto Princesa City at 21 nautical miles naman mula sa Tubbataha Reefs.

Nagpaalala ang ahensya sa publiko at mga awtoridad sa pag-iwas sa anumang bahagi ng rocket kung sakaling matagpuan, at agad na iulat sa mga kinauukulang tanggapan para sa tamang pagresponde.

Courtesy: PhilSA

DOLE, NAGPAALALA SA TAMANG PAY RULE PARA SA SPECIAL NON-WORKING DAY NGAYONG DISYEMBRE 8Nagpaalala ang Department of Labo...
08/12/2025

DOLE, NAGPAALALA SA TAMANG PAY RULE PARA SA SPECIAL NON-WORKING DAY NGAYONG DISYEMBRE 8

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer at manggagawa sa pribadong sektor hinggil sa tamang patakaran sa pasahod para sa Disyembre 8, 2025, na idineklarang Special (Non-Working) Day kasabay ng pagdiriwang ng Feast of the Immaculate Conception.

Ayon sa DOLE, ang mga empleyadong hindi papa*ok ay dapat tumanggap ng kanilang regular na sahod, habang ang mga magtatrabaho sa naturang araw ay may karagdagang bayad alinsunod sa Labor Code at itinakdang pay rules ng DOLE.

Courtesy: DOLE

MAGNANAKAW INTAKE NG A*O HABANG NAGTATANGKANG MANLOOB SA SAN MANUEL PPC Sugatan at kalaboso ang isang lalaking kinilalan...
07/12/2025

MAGNANAKAW INTAKE NG A*O HABANG NAGTATANGKANG MANLOOB SA SAN MANUEL PPC

Sugatan at kalaboso ang isang lalaking kinilalang si alyas “Anghelo,” residente ng Negros Oriental, matapos umanong atakihin ng a*o habang tinatangkang looban ang isang establisyemento sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City, madaling araw ng Linggo, Disyembre 7, 2025.

Ayon sa Anti-Crime Taskforce (ACTF), hindi umano alam ng suspek na may a*o sa loob ng establisyementong kanyang pilit na pinapa*ok. Nang tangkain nitong tumakas, hinabol siya ng a*o at sinunggaban.

Naabutan ng ACTF ang suspek na nakahandusay sa kalsada at may mga sugat sa katawan mula sa pagkagat ng a*o.

Nakatakdang magsampa ng ka*o ang may-ari ng establisyemento laban sa suspek, na ngayon ay nasa kustodiya na ng Barangay San Manuel.

Courtesy: We R1 at Your Service

₱230K NA HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA 3 KA-TAO SA BUY-BUST OPERATIONNasamsam ang tinatayang ₱230,000 halaga ng hinihinala...
07/12/2025

₱230K NA HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA 3 KA-TAO SA BUY-BUST OPERATION

Nasamsam ang tinatayang ₱230,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlo ka-tao na naaresto sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City noong Disyembre 5, 2025.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Palawan Provincial Office kasama ang PDEA MIMAROPA RSET, RPDEU, at Police Station 2. Narekober din sa lugar ang iba’t ibang kagamitan na umano’y ginagamit sa transaksyon at paggamit ng iligal na droga.

Kinilala ang mga suspek na sina Princess, 28; Paul, 35; at Harold, 24, pawang residente ng Puerto Princesa City.

Nahaharap sila sa ka*ong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Courtesy: PDEA

𝗘𝗟𝗜𝗔𝗦 𝗝. 𝗧𝗩, BIBIDA SA OPENING NIGHT NG 62ND BATARAZA FOUNDING ANNIVERSARYBibida sa pagbubukas ng ika-62 Founding Annive...
04/12/2025

𝗘𝗟𝗜𝗔𝗦 𝗝. 𝗧𝗩, BIBIDA SA OPENING NIGHT NG 62ND BATARAZA FOUNDING ANNIVERSARY

Bibida sa pagbubukas ng ika-62 Founding Anniversary ng Bataraza ang inaabangang pagganap ng Mindanao’s Elias J. TV, isang sikat at trending na banda na kinahuhumalingan ngayon sa buong bansa.

Gaganapin ang kanilang performance sa Enero 26, 2026, ganap na 7:00 PM sa Bataraza Sports Complex Open Ground.

Ito ang kauna-unahang beses na tutugtog ang Elias J. TV sa lalawigan ng Palawan, kaya inaasahang dadagsa ang mga manonood mula sa Bataraza at mga karatig bayan upang masaksihan ang kanilang mataas na enerhiya at nakakabilib na show.

Sikat ang Elias J. TV sa kanilang viral na stage presence at kakaibang dance moves na patok sa social media. Ilan sa kanilang mga pumatok na kanta ay ang “Jerusalem,” “Lipad,” at “Boliviaz Riddim,” pati na ang iba pang trending hits na nagdala sa kanila sa kasikatan.

Dahil sa kanilang dynamic na performance at lumalawak na impluwensya sa buong Pilipinas, tiyak na magiging mas makulay at di malilimutang karanasan ang opening night ng selebrasyon ngayong taon.


30-ANYOS NA LALAKI, NAPATAY SA MARAHAS NA PANANAGA NG KAINUMAN SA BROOKE’S POINTPatay ang isang 30-anyos na lalaki matap...
04/12/2025

30-ANYOS NA LALAKI, NAPATAY SA MARAHAS NA PANANAGA NG KAINUMAN SA BROOKE’S POINT

Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng kainuman sa Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan, pasado 11:10 PM noong Disyembre 3, 2025.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang 42-anyos na suspek na si Gamay (hindi tunay na pangalan) kasama ang isang kaibigan nang dumating at sumali sa inuman ang biktimang si alyas Jimmy, kasama ang isa pa nitong kakilala.

Makalipas ang ilang oras, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima, dahilan upang magpasya si Jimmy na umalis muna.

Subalit ilang sandali lang ay bumalik ito at sinira ang bakod ng suspek at itinumba ang motorsiklo nito.

Sinaway umano ito ng suspek, ngunit lalo pang uminit ang sitwasyon hanggang sa kumuha si Gamay ng itak at pinagtataga ang biktima. Nagtamo ito ng malalalim na sugat sa mukha at batok.

Agad na dinala ang biktima sa Southern Palawan Provincial Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Brooke’s Point Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang ka*o.

Photo Courtesy: Palawan PPO

Address

Bm, Road
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 5:30am - 8pm
Tuesday 5:30am - 8pm
Wednesday 5:30am - 8pm
Thursday 5:30am - 8pm
Friday 5:30am - 8pm
Saturday 5:30am - 7pm
Sunday 5:30am - 7pm

Telephone

+639201042678

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMN Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RMN Palawan:

Share