28/09/2026
Muli nating balikan ang ating mga pinagdaanan. Katulad nito, noong mga bata pa tayo, isa rin ito sa mga kinahihiligan at kinagigiliwan natin.
Kaya naman pinagbigyan natin ang aking bugoy na si Josh, dahil nahihiligan na rin niya ito ngayon. Kaya nakigulo tayo at naglaan ng oras para makasama at mapasaya siya.
Mga kabarangay, maihahalintulad din natin ito sa ating sarili. Kung nasaan man tayo ngayon at kung ano man ang narating natin, huwag nating kalimutan ang ating nakaraan at ang mga pinagdaanan natin.
Mahalaga ring lingunin paminsan-minsan ang ating pinagmulan, lalo na ang mga taong naging bahagi ng ating buhay at tumulong sa paghubog kung sino tayo ngayon.
Amping kanunay, mga kabarangay.