27/12/2025
MAHIGIT ₱26M NA HALAGA NG SUSPECTED MA*****NA KUSH, NAREKOBER NG PNP SA BAYBAYIN NG SAN VICENTE, PALAWAN
Narekober ng mga awtoridad noong Biyernes, December 26 ang malaking bulto ng pinaghihinalaang ilegal na droga sa baybayin ng San Vicente, Palawan.
Ayon sa ulat, pasado alas-8:22AM ng nabanggit na araw nang tumugon ang mga tauhan ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) at Palawan Police Provincial Office (PPO) sa report ng mga kabataang naliligo sa dagat patungkol sa umano'y malaking pakete na napadpad sa dalampasigan ng Danlog, Sitio Gawid ng nasabing bayan.
Matapos ang beripikasyon, narekober ng PNP ang tatlumpu’t isang (31) pakete vacuum-sealed transparent plastic ng pinaghihinalaang ma*****na kush, na may bigat na humigit-kumulang 21.97 kilo at may estimated value na ₱26,364,000.
Ang mga nakuhang ilegal na droga ay agad na dinala sa San Vicente MPS at isusumite sa Palawan Forensic Unit para sa laboratory examination at kaukulang disposisyon. l via Borgs Ibabao
📸 Courtesy of PNP