01/10/2025
Mahirap yung ikaw lang ang laging gumagawa ng paraan.
Ikaw ang laging humahabol, ikaw ang laging nag-aadjust, ikaw ang laging naglalambing, ikaw ang laging nagbabalik. Sa una akala mo normal lang kasi mahal mo.
Pero habang tumatagal, napapansin mong parang ikaw na lang ang gumagalaw para sa dalawa. At yun ang pinakamasakit, kasi hindi na relasyon ang meron ka, kundi sarili mong sakripisyo. π