RoadNews

RoadNews RoadNews aims to deliver news and current events anytime and anywhere in the world.

Consist of RoadNews sa Radyo, Roadnews Arangkada news tabloid, Rodnews Advertising company...

08/08/2025

Senator Allan Peter Cayetano, sinuportahan ang desisyon ng Supreme Court kaugnay sa pagiging unconstitutional ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa ginanap na first regular session ng Senado noong Aug. 6 2025.
I Love Taguig Alan Peter Cayetano RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr Lani Cayetano

08/08/2025

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang desisyon ng Korte Suprema ay hindi inaabswelto si Bise Presidente Sara Duterte sa anumang maling gawain, na binibigyang diin na "ito ang proseso na mali.
RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr

Ulat ni  Buboi Guiron Patriarca Jr  para sa RoadNewsRodriguez, Rizal | Isang negosyante ang nawalan ng kanyang Mitsubish...
08/08/2025

Ulat ni Buboi Guiron Patriarca Jr para sa RoadNews

Rodriguez, Rizal | Isang negosyante ang nawalan ng kanyang Mitsubishi Xpander matapos itong lokohin ng isang babaeng sangkot sa umano’y “rentangay” modus sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay

Ulat ni Buboi Patriarca para sa RoadNews Rodriguez, Rizal | Isang negosyante ang nawalan ng kanyang Mitsubishi Xpander matapos itong lokohin ng isang babaeng sangkot sa umano’y

Ulat ni Ernie Reyes para sa RoadNewsNilagdaan ni Senador Alan Peter Cayetano kamakailan ang isang  Senate Concurrent Res...
08/08/2025

Ulat ni Ernie Reyes para sa RoadNews

Nilagdaan ni Senador Alan Peter Cayetano kamakailan ang isang Senate Concurrent Resolution No. 4 na nag-uutos ng full public disclosure ng mahahalagang dokumentong may kaugnayan ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ulat ni Ernie Reyes para sa RoadNews Nilagdaan ni Senador Alan Peter Cayetano kamakailan ang isang  Senate Concurrent Resolution No. 4 na nag-uutos ng full public disclosure ng mahahalagang dokumentong may kaugnayan ng 2026 General Appropriations Act (GAA). Inihain ang resolusyon nitong August 6, 2...

Ulat ni Ernie ReyesMistulang kinalampag sa Senado ang   Civil Service Commission (CSC) upang amendahan ang umiiral na ci...
08/08/2025

Ulat ni Ernie Reyes

Mistulang kinalampag sa Senado ang Civil Service Commission (CSC) upang amendahan ang umiiral na circular nito laban sa pagpunta ng empleyado ng pamahalaan sa casino na isama ang pagbabawal sa online gambling sa lahat government offices at civil service personnel.

Ulat ni Ernie Reyes Mistulang kinalampag sa Senado ang   Civil Service Commission (CSC) upang amendahan ang umiiral na circular nito laban sa pagpunta ng empleyado ng pamahalaan sa casino na isama ang pagbabawal sa online gambling sa lahat government offices at  civil service personnel. “Our g...

Ulat ni Tito LucasNapatay si Ibajay, Aklan Vice Mayor Julio Estolloso matapos siyang barilin sa kanyang opisina sa Pobla...
08/08/2025

Ulat ni Tito Lucas

Napatay si Ibajay, Aklan Vice Mayor Julio Estolloso matapos siyang barilin sa kanyang opisina sa Poblacion kaninang 9:00 a.m. ngayong Biyernes, August 8. Ayon sa Ibajay PNP, agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang 10:23 a.m.

Ulat ni Tito Lucas Napatay si Ibajay, Aklan Vice Mayor Julio Estolloso matapos siyang barilin sa kanyang opisina sa Poblacion kaninang 9:00 a.m. ngayong Biyernes, August 8. Ayon sa Ibajay PNP, agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang 10:23 a.m. Kinilala ang salarin b...

Ulat ni Kason Cnf Acts para sa RoadNews BOLINAO, PANGASINAN | Isang kakaibang underwater drone ang natagpuan ng mga mang...
08/08/2025

Ulat ni Kason Cnf Acts para sa RoadNews

BOLINAO, PANGASINAN | Isang kakaibang underwater drone ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan malapit sa bayan ng Bolinao, Pangasinan noong Agosto 6, 2025. Ayon sa ulat, ang nasabing drone ay nakita nang nakalutang sa ibabaw ng tubig, humigit-kumulang 149 nautical miles northwest ng naturang bayan.

Ulat ni Edizon Cancino BOLINAO, PANGASINAN | Isang kakaibang underwater drone ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan malapit sa bayan ng Bolinao, Pangasinan noong Agosto 6, 2025. Ayon sa ulat, ang nasabing drone ay nakita nang nakalutang sa ibabaw ng tubig, humigit-kumulang 149 nautical miles...

Ulat ni Edizon CancinoDAGUPAN CITY | Nasabat ang isang menor de edad matapos siyang masangkot sa isang buy-bust operatio...
08/08/2025

Ulat ni Edizon Cancino

DAGUPAN CITY | Nasabat ang isang menor de edad matapos siyang masangkot sa isang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Mayombo, Dagupan City. Ang 16-anyos na Grade 9 student ay itinuturing na high-value individual sa lokal na ilegal na drug trade.

Ulat ni Edizon Cancino DAGUPAN CITY | Nasabat ang isang menor de edad matapos siyang masangkot sa isang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Mayombo, Dagupan City. Ang 16-anyos na Grade 9 student ay itinuturing na high-value individual sa lokal na ilegal na drug trade. Ayon sa ulat ng Dagupa...

08/08/2025

Senior Citizens Partylist Representative, ay nagsusulong para sa mahigpit na pagpapatupad ng pinalawak na batas ng senior citizen, Iskolar ng Bayan, at Geriatric Hospital.

Siya ay nahalal noong 2020 at itinulak ang pagtaas ng senior social pension mula P500 hanggang P1,000 sa 18th Congress. Ang Centennarian Act, na ipinasa sa 19th Congress, ay nagbibigay ng insentibo na P10,000 sa mga senior citizen na may edad 80, 85, 90, at 95. Itinutulak din ni Ordanes ang Universal Senior Social Pension at Geriatric Hospital para sa Senior Citizens. Nagpapasalamat siya kay Pangulong Ferdinand R., Jr. sa pagbibigay ng dagdag na pensiyon para sa mga retiradong miyembro ng SSS. Isinusulong din niya ang institutionalization ng 20% discount para sa senior citizens, gayundin ang VAT discount sa buong bansa. Si Ordanes, dating City Assessor ng Quezon City, ay may kidney transplant at binigyang-diin ang kahalagahan ng dialysis para sa mga senior citizen na pasyente. Sinusuportahan ng Meralco Vice President & Head Corporate Communications, Joe Zaldarriaga, ang adbokasiya ng Senior Citizens Party-List para sa mga pasyenteng Chronic Kidney Disease (CKD).

08/08/2025

Ang Ultrabilyonaryo Ramon Ang ay nagboluntaryo upang malutas ang problema sa pagbaha sa Metro Manila nang walang gastos sa gobyerno kasunod ng mga resulta ng kanilang imbestigasyon na nagpapakita na ang mga ilog ay barado.

Binisita ni MMDA General Manager Procopia G. Lipana, MMDA Flood Control Director Mark Navarro, Valenzuela Mayor Wes Gatc...
08/08/2025

Binisita ni MMDA General Manager Procopia G. Lipana, MMDA Flood Control Director Mark Navarro, Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, at MPTC Chief Regulatory Officer Arrey Perez ang joint cleanup drive at clearing kasama ang DOTr, TRB, DPWH, MMDA, local government units, at NLEX Corporation para tugunan ang mga isyu sa pagbaha sa mga expressway.

₱1 Milyong Pabuya Ipagkakaloob para sa Pagdakip sa mga Pumaslang sa ABP Partylist's nominee at sa mga Kasabwat sa Karuma...
08/08/2025

₱1 Milyong Pabuya Ipagkakaloob para sa Pagdakip sa mga Pumaslang sa ABP Partylist's nominee at sa mga Kasabwat sa Karumal-dumal na Krimen Laban sa mga Maka-Diyos, Mapayapa, at Tapat na Lingkod-Bayan

Nag-aalok ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ng ₱1 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga pumatay kay Leninsky “Bogs” Bacud, ikatlong nominee ng ABP, na brutal na pinaslang noong Abril 28 sa may P. Guevarra St. Bgy.435 Sampaloc, Maynila.

“Hindi ito basta pagpatay. Isa itong pag-atake sa isang taong buong-pusong naglingkod sa bayan. Hindi kami tatahimik hangga’t hindi nakakamit ang hustisya,” pahayag ng ABP.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnold “Ford” Glean Umandap at Joshua Hernandez Andaleon. Noong Hulyo 30, naglabas ang Regional Trial Court, Branch 33 ng non-bailable warrant of arrest laban sa kanila. Naka-alerto na ang mga pulis na nagsasagawa ng manhunt opeation at sa lahat ng operasyon ay kailangang may body cam na gagamitin.

Si Arnold Umandap ay huling nakatira sa
47 Ruiz Street, Eastern, NCR samantalang si
Joshua Andaleon naman ay nakatira sa Pantihan I, Balayungan, Maragondon, Cavite

Si Umandap ay pinuno ng isang grupong peke na iligal na gumagamit ng pangalan ng ABP. Si Andaleon naman ang sinasabing isa sa mga sakay ng motor na ginamit sa pananambang kay Bacud.. Malakas ang hinalang may pulitikal na motibo sa likod ng isinagawang krimen.

“Nananawagan kami sa publiko—kung may alam kayo ay magsalita na para sa ikadadakip ng mga kriminal. Bawat impormasyon ay mahalaga,” dagdag ng ABP.

Makipag-ugnayan sa:
PNP Hotline: 117
CIDG: 0951-059-3843

Ang ₱1 milyong pabuya ay ibibigay sa sinumang makapagbibigay ng tamang impormasyon at ituturing na confidential. Makakaasa na sisiguraduhing ligtas ang sinuman na magbibigay ng tip o impormasyon.

"Ito ay laban para katotohanan, hustisya at para sa layunin ng aming kilusan. Hindi kami uurong. Hindi kami titigil. Hahabulin namin ang mga salarin hanggang sa makamit ang hustisya,” buwelta ng ABP.

Address

Quezon City
1100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RoadNews posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RoadNews:

Share