RealTalk & Qoutes

RealTalk & Qoutes Motivation & Inspiration
Real talk & Quotes gives you a powerful quotes and stories that move the soul. Pangako ko yan sa inyo..

Ang purpose nang Page na ito ay upang makapag bigay ng kaunting kasiyahan at motivation sa aking mga tagasubaybay at manonood.. Layunin din ng Page na ito na tumulong sa mga nangangailangan kapag ito ay nagkaroon na ng sapat na kita o sweldo sa mga ina-upload na video.. At sa pamamagitan ng inyong pag suporta ay magagawa natin ito.. Muli Happy vlogging to everyone mga KAIBIGAN!!

‼️ MAINIT INIT NA USAPINJUST IN:Ang umano’y “leaked video conversation” nina Mam Elma at Ser Geybin matapos ang isang is...
27/06/2026

‼️ MAINIT INIT NA USAPIN

JUST IN:Ang umano’y “leaked video conversation” nina Mam Elma at Ser Geybin matapos ang isang isyu na kumalat online, ayon sa isang “close friend” na nagpakalat ng video.

Ang ngayon ay deleted na raw na video ay may ganitong usapan:

Ser Geybin: Kamusta ka na?

Makikitang magkaharap ang dalawa habang nag-uusap.

Mam Elma: (Yumuko habang hawak ang phone)

Ser Geybin: Please, mag-usap tayo. Usap muna tayo.

Mam Elma: (Tumingin lang at napabuntong hininga)

Ser Geybin: I missed you… alam ko kasalanan ko.

Mam Elma: (Malungkot na tumitig kay Ser Geybin) Wala na tayong dapat pag-usapan.

Dito, makikitang may isang kaibigan na parang pinipigilan ang tensyon sa pagitan nila, pero lumapit pa rin si Ser Geybin kay Mam Elma.

Ser Geybin: Please naman, love…

Mam Elma: Alam mo na ang ginawa mo. Sorry pero hindi ngayon. Alam mo ‘yan.

Ser Geybin: Sabihin mo sa’kin… do you still care for me?

Mam Elma: (Naiiyak na)

Ser Geybin: Mahal mo pa rin ako, ‘di ba?

Mam Elma: (Tumingin ng seryoso kay Ser Geybin) Ito na siguro ang huling pagkakataon na mag-uusap tayo, so please LISTEN TO ME VERY CAREFULLY…

Ser Geybin: Ano yun, love?

Mam Elma: Alam mo ba pwede mong sabihin sa kanila na I copy paste and share lang nila mga pinagsasabi ko para maka bawi sila sa mga Marites,. ok..

Ser Geybin: OK.. Sige, isasabi ko sa lahat ng tropa ko ❤️

Stay safe and God bless you all 😇❤️
Discalimer: For entertainment purposes,.
For MARITES only 😂😂

21/06/2026

🔥Tunay kang magulang...

Hindi mo kasalanan ang hirap na naranasan mo noon…
Pero kasalanan mo na kung ipapamana mo pa ito sa anak mo.

‼️
Putulin mo ang cycle. Ikaw ang simula ng pagbabago.

🙌
Kung anuman ang sakit, hirap, at kakulangan na naranasan mo dati,gawin mo itong dahilan, hindi hadlang.
Hindi para maawa ka sa sarili mo… kundi para mas maging matibay ka.

Ang tunay na magulang, hindi lang nagbibigay,
nagsasakripisyo,lumalaban.,nagbabago.

Ikaw ang pwedeng maging hangganan ng kahirapan sa pamilya niyo.
Ikaw ang pwedeng magsimula ng bagong kwento,
yung kwentong hindi na puro sakit, kundi pag-asa na.

Hindi mo man naranasan ang magandang buhay noon,
siguraduhin mong mararanasan ito ng anak mo ngayon.

🌱
Ang nakaraan ay hindi para ulitin,ito ay aral para baguhin ang kinabukasan.

“Kung hindi ka kikilos, mananatili kang kwento ng ‘sayang. "
20/06/2026

“Kung hindi ka kikilos, mananatili kang kwento ng ‘sayang. "


10/06/2026

🔥 REALTALK...

Hindi ka uubra sa salita kung wala kang gawa.

🎯
Gawa muna bago yabang.

‼️
Sa mundong ‘to, hindi kailangang makipagsabayan sa ingay ng salita.
Mas matimbang pa rin ang tahimik na pagsisikap kaysa maingay na pangako.

Kung gusto mong mabuhay nang maayos, huwag puro salita,kumilos ka.
Magbanat ka ng buto, magsikap ka, at patunayan mo ang sarili mo sa gawa, hindi sa bibig.

Darating ang panahon na pwede ka nang magmatigas, pwede ka nang magmataas,
pero siguraduhin mong kaya mo nang tumayo sa sarili mong paa,
kaya mo nang bumili ng sarili mong bigas,
at hindi ka na umaasa sa iba.

Dahil ang tunay na lakas, hindi sinisigaw,pinapakita.

📌
Hindi sa salita nasusukat ang halaga ng tao,kundi sa gawa at diskarte sa buhay.

🔥Totoo ito...Habang bata ka pa… ginagawa mo bang puhunan ang sarili mo, o puro dahilan lang?⚡Hindi pakiusap ang maglilig...
09/06/2026

🔥Totoo ito...

Habang bata ka pa… ginagawa mo bang puhunan ang sarili mo, o puro dahilan lang?


Hindi pakiusap ang magliligtas sa’yo, kundi diskarte at sipag.

💡
Habang bata ka pa, samantalahin mo ang oras. Matutong magsikap kahit mahirap. Matutong mag-ipon kahit maliit. Matutong mag-invest sa sarili, sa kaalaman, skills, at mindset.

Dahil darating ang panahon na hindi na sapat ang paghingi ng tulong. Ang bubuhay sa’yo ay yung pinaghirapan mo, hindi yung pakiusap mo sa iba.

Hindi habang buhay may sasalo sa’yo. Kaya ngayon pa lang, ihanda mo na ang sarili mo sa laban ng buhay. Maging disiplinado ka, maging matatag ka, at higit sa lahat, maging responsable ka sa sarili mong kinabukasan.

📌
Ang maagang paghahanda at pagsisikap ang tunay na puhunan sa matatag na kinabukasan.

06/06/2026

🔥BAWAL TAMAD MAY.....

“Kung tatamarin ka ngayon…
tandaan mo,may mga nakaupo na umaasa sa boto mo, hindi sa sipag mo.”

🫵
“Bawal tamad. May umaasa sa’yo.”

‼️
Bawal tayong tamarin sa buhay,lalo na sa pagiging mulat at responsable.
Hindi lang ito tungkol sa personal na pangarap, kundi sa kinabukasan ng lahat.

Maraming mga pulitiko ang umaasa sa atin,sa boto natin, sa desisyon natin, sa kung gaano tayo kadaling malinlang o magising sa katotohanan.

Kung tayo ay magiging kampante, sila ang panalo.
Kung tayo ay magiging tamad, sila ang mas lalong lalakas.

Kaya gumalaw ka.
Maging matalino.
Maging mapanuri.
Hindi lang para sa sarili mo,kundi para sa bayan.

📌
Ang katamaran ng mamamayan ay nagiging lakas ng maling lider.

05/06/2026

🔥Tahimik ka lang…

Tahimik ka lang.,pero isang araw, sila ang magtatanong kung paano mo nagawa.


“Hindi lahat dapat sinasabi… lalo na ang pangarap mo.”

🎯
Kung anuman ang mga plano, desisyon, balak, at pangarap mo sa buhay,huwag mo na itong ikwento kung kani-kanino.

Hindi lahat ng nakangiti sa’yo ay may mabuting intensyon.
May iba na tahimik lang, pero may lihim na inggit sa puso.

Hindi mo alam… habang ikaw ay nangangarap, sila ay nagdududa. Habang ikaw ay kumikilos, sila ay nag-aabang ng pagkakamali mo. At minsan, may mga taong mas gugustuhin pang hindi ka magtagumpay.

Kaya panatilihin mong tahimik ang laban mo.
Hindi mo kailangan ng validation,ang kailangan mo ay aksyon.

Magtrabaho ka nang tahimik.
Gumalaw ka nang walang ingay.
At hayaan mong ang RESULTA ang sumagot sa lahat.

Sa dulo, hindi na paliwanag ang kailangan,kundi patunay.

📌
Hindi lahat ng pangarap ay dapat ibinubunyag,.
Ang tunay na lakas ay nasa tahimik na pagkilos at malinaw na resulta.

🔥

03/06/2026

🔥Talo ka na agad....

Hindi ka nila sinisira… pinapakita lang nila kung gaano sila kaliit kumpara sa pangarap mo.

“Kung hihinto ka dahil sa kanila—talo ka na agad.”

💭
Huwag mong hayaang kontrolin ng negatibong salita ng iba ang direksyon ng buhay mo. Hindi nila alam ang pinagdadaanan mo, at lalong hindi nila alam kung gaano kalalim ang dahilan mo kung bakit ka lumalaban.

May mga tao talagang hihila sa’yo pababa,lalo na yung akala mong totoo sa’yo. Pero tandaan mo, hindi sukatan ng katotohanan ang ingay ng opinyon nila. Ang mahalaga, malinaw sa’yo kung bakit mo sinimulan ang lahat.

Kapag napanghinaan ka ng loob, huwag kang sumuko,balikan mo ang simula. Balikan mo yung mga gabing wala kang ibang kakampi kundi pangarap mo. Doon ka muling lalakas.

Hindi ka nandito para patunayan ang sarili mo sa kanila. Nandito ka para tuparin ang pangarap mo,kahit wala silang bilib.

🎯
Ang taong may malinaw na “bakit” ay hindi matitinag ng kahit anong “sabi-sabi” ng iba.

01/06/2026

Isang mali.!! Burado lahat?

“10 beses kang naging tama…
pero isang mali lang, wala ka na agad?”

‼️
Sa mundong ito, hindi lahat patas.
Kahit ilang beses kang gumawa ng tama, may mga tao na isang pagkakamali mo lang ang makikita.

Pero tandaan mo: 🫵
Hindi nabubura ang kabutihan mo dahil lang sa isang pagkakamali.
Nagkakamali ang tao,pero hindi doon nasusukat ang buong pagkatao mo.

🎯
Mas mahalaga kung paano ka bumawi, natuto, at bumangon.
Dahil sa huli, ang consistent mong ginagawa ang tunay na magdedefine sa’yo,hindi ang iisang pagkakamali.

📌
Huwag mong hayaang ang isang pagkakamali ang magdikta ng halaga mo. Bumawi ka, matuto ka, at magpatuloy ka.

31/05/2026

🔥REALTALK

Without GOD we are NOTHING!!
Akala mo kaya mo lahat… pero bakit parang kulang pa rin?

“Without God… empty ka pa rin.”

💬
Pwede mong makuha ang pera, tagumpay, at respeto ng iba… pero kung wala ang Diyos sa puso mo, may bahagi sa’yo na laging uhaw.
Hindi lahat ng nakikita mong “buo” ay tunay na buo.
Minsan, kahit nasa’yo na ang lahat, ramdam mo pa rin ang kakulangan,dahil ang tunay na kapayapaan at direksyon, sa Kanya lang nanggagaling.

Hindi ka nilikhang mag-isa.
Hindi mo kailangang patunayan na kaya mo lahat nang wala Siya.
Dahil sa totoo lang… doon ka mas nagiging kumpleto kapag kasama mo Siya sa bawat hakbang.

📌
Ang tunay na lakas at direksyon sa buhay ay nanggagaling sa Diyos,hindi sa sarili lang.

Address

Quezon City
1100

Telephone

+639083461894

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RealTalk & Qoutes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category