Les Being BETTER is better than best.

02/08/2025

I spend around ₱3,000 a month on coffee.

One time, may nagsabi sa’kin:
“Sayang, kung tiniis mo ‘yan, naka-₱36,000 ka na sana in a year.”

Tama naman. The math checks out.

Pero ‘yung number na ‘yan, hindi niya kayang ipakita kung paano ako natulungan ng simpleng kape sa mga araw na mabigat ang pakiramdam.

Hindi niya kayang i-measure ‘yung peace na nabibigay ng tahimik na upo sa café, habang umiinom ng mainit na drink, watching the world move sa labas ng window.

I work from home. And don’t get me wrong — I’m thankful for that setup.

Walang traffic. Kasama ko ang family pati mga a*o ko. I get to manage my own time.

Pero narealize ko rin, kahit nasa bahay ka lang, puwede ka pa ring mapagod emotionally.

Kapag paulit-ulit na lang: bangon, trabaho, kain, trabaho ulit.
Wala kang transition, wala kang mental space. Parang kulong ka sa loop.

𝗬𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗸𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘂𝗺𝗶𝗻𝗼𝗺 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗲 —
𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗼.
𝗬𝘂𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗲𝗮𝘁𝗵𝗲𝗿.

Sometimes, ‘yun na lang ‘yung only moment sa buong linggo na nakaupo ako, tahimik, at walang kailangan isipin.

So yes, puwede akong may ₱36,000 ngayon kung tiniis ko.

Pero ang nakuha kong kapalit?

Kapayapaan.
Reset.
Konting katahimikan sa gitna ng magulong araw.

And those moments helped me show up better — for work, for people I care about, and most of all, for myself.

So no, hindi lang siya kape.

It’s one of the few things that reminds me to pause. To breathe. To take care of me.

At sa totoo lang, sulit ‘yon. Kahit araw-araw pa.

Address

Quezon City
1008

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Les posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Les:

Share