KMJS Summary

KMJS Summary sharing is caring
(1)

Ang dalagang si Mackenzie Brown, na nagmula sa Houston, Texas, ay nawalan ng bahagi ng kanyang daliri noong siya'y dalaw...
24/09/2025

Ang dalagang si Mackenzie Brown, na nagmula sa Houston, Texas, ay nawalan ng bahagi ng kanyang daliri noong siya'y dalawang taong gulang pa lamang. Upang mailigtas ang kanyang kamay, gumamit ang mga doktor ng balat mula sa kanyang singit para sa isang reconstructive na operasyon. Ngunit ang nakakagulat na pangyayari ay naganap makalipas ang ilang taon, nang sa panahon ng pagdadalaga ay mapansin niyang tumutubo ang mga buhok sa dulo ng kanyang daliri. Ibinahagi ng dalaga ang kanyang karanasan sa social media, kung saan ikinuwento niya na kailangan niyang mag-ahit nang madalas at ipinahayag ang kanyang pagkadismaya na ang ilan sa mga gumagamit ay nag-react ng may pangungutya sa halip na pagkakaintindihan.

Anong masasabi nyo tungkol dito? Mas mataas na pala ang mga nasa tungkulan kesa sa Batas natin?
23/09/2025

Anong masasabi nyo tungkol dito? Mas mataas na pala ang mga nasa tungkulan kesa sa Batas natin?

23/09/2025

Sa mga gustong magpaputi order na nasa COMMENT SECTION ang link 👇👇👇

💖 Achieve your kutis-artista glow with this powerful Gluta Whitening Soap!
✨ With Glutathione + Vitamin C for brighter, smoother, and glowing skin!
📦 Available na — grab yours now!
👇 Click the link in the comment section

PARA SA SAMPUNG PISO, ISANG LOLA NAGLALAKAD NG MALAYO!Sa buhay ng tao ay talagang napakahalaga ng pera dahil ito ang gin...
22/09/2025

PARA SA SAMPUNG PISO, ISANG LOLA NAGLALAKAD NG MALAYO!

Sa buhay ng tao ay talagang napakahalaga ng pera dahil ito ang ginagamit natin upang makuha ang alin mang gustuhin natin. Sa buhay natin ngayon ay hindi maikakailang pera ang prayoridad ng bawat isa.
Tulad na lamang ng isang lola na malayo ang nilalakad upang kunin umano sa kanyang kapatid ang sampung piso.
Sa isang Facebook video na in-upload ng netizen na si Val Santos Matubang noong December 30, nakasalubong niya ang isang lola na naglalakad kaya binati niya ito ng Happy New Year.

Kinausap ni Matubang si lola at tinanong kung saan ang punta nito. Sagot ni lola ay pupuntahan raw niya ang kanyang kapatid upang kunin ang pera niyang sampung piso.

Ayon sa video, ang pangalan ni lola ay Ofelia, ngunit hindi na nito matandaan kung ilang taong gulang na siya at kung anong taon siya pinanganak.

Ayon kay lola Ofelia, wala na raw ang kanyang mister ngunit meron siyang apat na anak, lahat sila ay may asawa na.

Dahil naawa si Matubang kay lola Ofelia ay halos ibinigay na niya lahat ang kanyang dalang pera. Pinayuhan niya rin si lola na huwag ng tumuloy sa pagkuha ng kanyang sampung piso dahil meron naman na siyang pera, ngunit nagpatuloy parin sa paglalakad si lola.

l.l

Masyado akong nalulungkot sa mga nangyayari. Mga kapatid hndi ntin kalaban ang mga kapulisan. Kundi yung mga corrupt.
21/09/2025

Masyado akong nalulungkot sa mga nangyayari. Mga kapatid hndi ntin kalaban ang mga kapulisan. Kundi yung mga corrupt.

PANINDA NG ISANG 69 YEARS OLD NA LOLA, TINAOB NG MGA  TANOD!Sya si Lola Tina isang tindera ng isda at hipon sa probinsya...
21/09/2025

PANINDA NG ISANG 69 YEARS OLD NA LOLA, TINAOB NG MGA TANOD!

Sya si Lola Tina isang tindera ng isda at hipon sa probinsya ng Dagupan. Madalas sya nakapwesto sa mga bangketa dahil wala syang pambayad para sa upa sa palengke. Madalas din syang sinisita ng mga TANOD dahil bawal daw di umano ang kanyang pwesto. Hanggang isang araw sa inis ng mga TANOD, tinaob nila ang mga panindang hipon ni Lola Tina at kinumpiska ang kariton.

Labis na nagmakaawa ang Lola na huwag ng kunin ang kanyang Kariton at aalis na lamang sya, subalit hindi pumayag ang mga TANOD. Hindi na ibalik kay Lola Tina ang kanyang puhunan at nalugi pa ang kanyang paninda. Ang kita o tubo sana ng kanyang pagtitinda ay para sa kanyang mga apo na naghihintay sa kanya pag-uwi. Hindi na alam sa ngayon ni Lola Tina kung anong hanap buhay pa ang kanyang gagawin para mabuha at mapag-aral ang mga apo.

TINAOB NG TANOD

₱1,750 x 30 days = ₱52,500. Parang oras na yata para magpalit tayo ng career. 😆😭😆Nakakapagod na maging minimum wage earn...
21/09/2025

₱1,750 x 30 days = ₱52,500. Parang oras na yata para magpalit tayo ng career. 😆😭😆

Nakakapagod na maging minimum wage earner

87-TAÓNG GULANG NA LOLO, NAKATULOG HABANG NAGTITINDA NG ICE CREAMIsang kwento ng hirap at dedikasyon mula kay Lolo Jose,...
21/09/2025

87-TAÓNG GULANG NA LOLO, NAKATULOG HABANG NAGTITINDA NG ICE CREAM

Isang kwento ng hirap at dedikasyon mula kay Lolo Jose, isang 87-taóng gulang na nagtutulungan sa pamamagitan ng pagtitinda ng Ice Drop. Sa kabila ng kanyang edad, hindi pa rin siya sumusuko sa paghahanapbuhay para sa kanyang pamilya. Ngunit dahil sa mabagal na bentahan ng kanyang paninda, nakatulog na siya habang nakaupo.

Ayon sa uploader na bumili ng ice cream, karaniwan nang naglalatag si Lolo Jose ng kanyang paninda bandang 11 ng umaga. Subalit pagdating ng 4 ng hapon, halos puno pa rin ang kanyang lalagyan ng ice cream, at mukhang wala pang nabebenta. Bagaman nais ng uploader na bilhin lahat ng ice cream upang makauwi at makapagpahinga si Lolo, hindi sapat ang pera.
Nananawagan po kami sa inyong lahat na sana'y matulungan si Lolo Jose, na karaniwang matatagpuan sa Pardo Public Market, Cebu City. Kung maaari po, tayo ay magtulungan at magbigay ng kahit konting tulong para matulungan si Lolo sa kanyang pangangailangan.

74 YEARS OLD NA SI LOLA MARIA TEQUILLO PATULOY SA PAGSISID UPANG MAKAKUHA NG BARYA PARA MAY PAMPAKAIN SA KANYANG MGA APO...
21/09/2025

74 YEARS OLD NA SI LOLA MARIA TEQUILLO PATULOY SA PAGSISID UPANG MAKAKUHA NG BARYA PARA MAY PAMPAKAIN SA KANYANG MGA APO!

Pagsilip pa lang ng liwanag ay maaga nang nagpupunta sa Pier si lola Maria gamit ang kanyang lumang bangka, upang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagsisid ng mga baryang hinahagis ng mga turista sa dagat.

Araw-araw nya itong ginagawa at mag isa nyang tinataguyod ang kanyang mga anak, mga apo at ang kanyang asawang may sakit na sa kanya lamang umaasa.

Nakagawian na ng mga pasahero at mga turista ang maghagis ng barya bilang paggalang at pagpapaalam sa dagat na maging ligtas ang kanilang biyahe.

Isang kilalang tradisyon na ito ng bawat pasahero ang paghuhulog ng mga barya sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.

Kaya naman dinadagsa ito ng mga maninisid ng barya at isa na nga rito si Lola Maria na isa ng beterana sa paglangoy at pagsisid sa ilalim ng mapanganib na dagat upang makapulot ng barya at maipangtustos sa kanyang mag-anak.

Kumikita si Lola Maria ng halagang P100 hanggang P200 depende sa kung magkano at ilan ang naghuhulog ng barya sa dagat.

Isa si lola sa mga buwis buhay na sumisisid sa maliit na halaga, na lubha ng mapanganib para sa kanyang edad at pangangatawan na kung tutuusin sana ay nasa loob na lamang ng kanilang tahanan at masayang namumuhay kapiling ang kanyang mga apo.

lola

KOMEDYANTENG SI ATE GAY, TUMIGIL MUNA SA PAGPAPATAWA HABANG NANANALANGIN NG HIMALA SA MATINDI NIYANG LABAN NGAYON KONTRA...
20/09/2025

KOMEDYANTENG SI ATE GAY, TUMIGIL MUNA SA PAGPAPATAWA HABANG NANANALANGIN NG HIMALA SA MATINDI NIYANG LABAN NGAYON KONTRA KANSER.

KUMUSTA NA NGA BA SIYA NGAYON?
“Parang beke lang siya noon.
Hindi pantay ang mukha ko.
Sabi ng mga kasama ko sa work, ‘Hindi pantay ang mukha mo, pa-check mo 'yan.’
Nagpa-ultra sound ako at nagpa-CT scan.
After CT scan, magpa-biopsy daw ako.
Ang findings nu’ng una, benign.

Nagpa-second opinion ako.
May show ako sa Canada, medyo lumalaki na siya.
At saka nagbi-bleed nang nagbi-bleed.
Mahirap ngayon ang lagay ko.
May kanser ako, stage 4 daw.
Magtatagal ba ang buhay ko?
Ang sabi, hindi na daw ako aabutin ng 2026.
Kaya ang sakit-sakit sa akin.
Hindi na rin daw ako puwedeng operahan.
Wala raw lunas.
Masakit sa akin.
Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord.

Although lagi kong sinasabi na walang himala.
Kailangan ko po ng dasal.
Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon.”

-Ate Gay, komedyante

ate gay

101 Anyos na Lola, Patuloy na Nagtatrabaho at Mag-Isang NamumuhayKamakailan lamang, naiulat isang lola na mag-isang nani...
20/09/2025

101 Anyos na Lola, Patuloy na Nagtatrabaho at Mag-Isang Namumuhay

Kamakailan lamang, naiulat isang lola na mag-isang naninirahan isang lumang bahay sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur.

Si Lola Felicidad Cabuena ay mag-isa na lamang naninirahan sa kaniyang bahay dahil ito ay tumanda ng dalaga, base sa impormasyon ng Trending Bytes.

Si Lola Felicidad din ay 101 anyos na ngunit ito ay patuloy pa rin na nagtatrabaho sa bukid base sa ulat ng I-Witness.

Ani Lola Felicidad,

"Hindi ko gusto 'yung laging nakaupo, walang trabaho."

Dagdag niya,

"Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho."

Sinabi din ni Lola Felicidad na walang sinomang lalaki ang nagkagusto sa kaniya noon dahil wala naman siyang ganoong itsura na hinahanap ng mga kalalakihan kaya naman siya ay tumandang dalaga at pinili na lamang mamuhay ng mag isa at tumulong sa kaniyang pamilya.
Sabi ni Lola,

"Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko."

Pagpapatuloy niya,

"Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano."

Base kay Regin Cabico siya ang naging tagapag alaga ni Lola Felicidad. Nang alagaan niya ito ay nasa 94 taong gulang na ito. Malayong kamag-anak ni Lola Felicidad ang napangasawa ni Regina. Sa kaniya namang sweldo sa pangangalaga sa matanda, ang mga pamangkin naman ni lola ang nagbibigay sa kaniya ng pera.

Ang lumang bahay ni Lola Felicidad ay puno din ng mga litrato ng kaniyang mga mahal sa buhay. Sinabi din ni lola na isa siya sa mga tumulong na maging matagumpay sa buhay ang ilang miyembro sa kanilang pamilya.

Saad ni Lola Felicidad,

"Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko 'yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?"

Kahit na si Lola Felicidad ay mag-isang namumuhay sa kaniyang payak na buhay, siya naman ay nagsisilbing isang malaking biyaya para sa kaniyang pamliya dahil sa mga tulong na handa nitong ibigay para sa mga ito.

Address

GMA KAMUNING
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KMJS Summary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category