19/04/2024
text in the artwork:
sa laban ng mga tsuper at opereytor, kasama ang mga komyuter. ang mga manggagawang komyuter, pesanteng komyuter, kabataan / estudyanteng komyuter, maralitang komyuter, at marami pang klase ng komyuter saan mang panig ng bansa.
kung kaya't ang laban para sa pagpapabasura ng anti-mamamayang PUV Modernization Program ay kadikit ng komprehensibong sektoral na laban ng sambayanang Pilipinoβsa bingit ng lumalalang krisis pang ekonomiyaβitong krisis na inanak ng bulok na sistemang panlipunan na naglilingkod sa interes ng naghaharing uri.
ang papet na gobyerno ng Marcos-Duterte, ang mga panginoong maylupa, ang mga malalaking dayuhang burgesya komprador, at ang imperyalistang US ang dapat na i-phaseout, hindi ang mga jeepneys.
at sa malawak na kaisahan ng labang ito, ang duluhin nito'y para sa pambansang demokrasya na may layuning maisanib sa programa ng pambansang demokratikong rebolusyon ng masang anakpawis tungo sa tunay na pagbabagong panlipunan.