27/08/2026
𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐍𝐀! 𝐔𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀, 𝐒𝐈𝐆𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀
27 Agosto 2026 | Episode 21 | Kasama si Angelica Ellazar
Mamaya, makakasama natin si Dr. Ferdinand P. Jarin, nagwagi sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2026, para sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa kaniyang natatanging disertasyon na pinamagatang “Ang Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Leoncio P. Deriada sa Panitikan ng Banwa at Bansa.”
Kasama natin siya upang ibahagi ang kaniyang karanasan bilang mananaliksik, ang mga hamon at pananaw na humubog sa kaniyang pag-aaral, at ang mahahalagang kaalamang nabuo mula sa kaniyang pananaliksik.
Tampok din sa ating pag-uusap ang Gawad Julian Cruz Balmaseda 2027—isang mahalagang pagkakataon para sa mga mag-aaral sa antas-gradwado na maitanghal, mapahalagahan, at kilalanin ang kanilang mga tesis at disertasyong may ambag sa pagpapayaman ng wika, panitikan, at kultura.
Kaya, samahan kami at alamin ang mga dapat malaman tungkol sa Gawad Julian Cruz Balmaseda 2027—sino ang maaaring lumahok, ano ang mga kinakailangan, at higit sa lahat, kung paano makalalahok sa parangal na kumikilala sa husay ng pananaliksik ng mga iskolar ng bayan.
Tara na! Usapang pananaliksik, usapang wika, usapang may ambag sa bayan! Makinig sa Radyo Magasin 1278 AM, The Capital FM 104.3, o panoorin ang livestream sa opisyal na page ng Radyo Magasin 1278 AM.