15/07/2025
| ๐๐๐ ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐, ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ๐๐ง; ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ, ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฉ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐
Ngayong araw, mayroong mga nakataas na thunderstorm advisories o banta sa malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa iba't-ibang bahagi ng bansa partikular na sa NCR at mga karatig na rehiyon ng Southern at Central Luzon. Dahil dito, makararanas ng mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog partikular na sa Zambales, Bataan, Cavite at Metro Manila na maaaring magtagal ng isa hanggang dalawang oras.
Patuloy rin na makakaapekto ang Hanging Habagat sa malaking bahagi ng bansa, kaya't asahan ang malaking tyansa ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ka-Visayaan at Mindanao, gayundin sa bahagi ng Mimaropa, Occidental Mindoro, Romblon, at Palawan.
Mayroon din binabantayang mga cloud clusters o kumpol ng mga kaulapan sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, at posibleng ngayong araw o bukas ay may mabuong Low Pressure Area (LPA). At kung mabuo man, may potensyal itong maging isang ganap na bagyo sa mga susunod na araw na magdadala ng mga pag-ulan kasabay ang epekto ng habagat.
Samantala, wala namang masyadong magiging kaulapan at asahang magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon, sa Northern Luzon, Central Luzon, Metro Manila, at nalalabing bahagi ng Southern Luzon.
Kasalukuyan din may binabantayang bagyo sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility (PAR), na hindi pa naman inaasahang papasok sa ating bansa dahil papalayo ang direksyon ng pagkilos nito sa ating bansa.
Wala namang nakataas na anumang Gale Warning o banta sa malalakas na alon sa anumang karagatan ng bansa. Kung kaya't ligtas na pumalaot ang mga sasakyang pandagat at maliliit na bangka, ngunit patuloy na mag-ingat sa banta ng mga thunderstorms na maaaring makapagpalakas ng mga alon sa ating mga baybayin.
SOURCE: DOST-PAGASA