Ang Aksyon: Ang Opisyal na Publikasyon ng FAYHS sa Filipino

Ang Aksyon: Ang Opisyal na Publikasyon ng FAYHS sa Filipino Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Paaralang Sekondarya ng Flora A. Ylagan

TV at Radio Broadcasting Audition, Matagumpay na IsinagawaMatagumpay na isinagawa ang audition para sa group categories ...
01/07/2025

TV at Radio Broadcasting Audition, Matagumpay na Isinagawa

Matagumpay na isinagawa ang audition para sa group categories na TV at Radio Broadcasting na nilahukan ng mga mamamahayag sa Filipino mula sa ika-9 na baitang noong ika-30 ng Hunyo 2025, sa Mataas na Paaralan ng Flora A. Ylagan (FAYHS).

Bilang panimulang aktibidad, nagpakita muna ng galing sa tongue twister ang mga kalahok upang ma-ehersisyo ang kanilang mga boses. Kasunod nito, inensayo nila ang piyesang kanilang bibigkasin sa mismong audition.

Ipinamalas ng mga mamamahayag ang kanilang husay sa pagboboses, na maingat na pinakinggan ng mga Filipino Broadcasters. Isa-isang binigyan ng marka ang mga kalahok ng mga mamamahayag mula sa ika-10 baitang upang matukoy ang mga papasok sa opisyal na Broadcasting team.

National Earthquake Drill sa FAYHS, IsinagawaNagsagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang Mataas na Pa...
26/06/2025

National Earthquake Drill sa FAYHS, Isinagawa

Nagsagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ang Mataas na Paaralan ng Flora A. Ylagan nitong Huwebes, ika-19 ng Hunyo, 2025, ala-una ng hapon.

Sa temang "Bida ang Handa", pinangunahan ng mga kaguruan at kawani ng paaralan ang Duck, Cover, and Hold procedure at ang evacuation protocols bilang preparasyon sa hindi inaasahang sakuna.

Sa pakikilahok at pagtutulungan ng lahat, masisigurado ang kaligtasan at kahandaan ng bawat isa sa panganib ng lindol.

✍🏻:Andrea Mae L. Cezar
📸: Ashelle Nicolle I. Garcia

Acquaintance Party, Isinagawa ng publikasyong Ang Aksyon          Idinaos ang Acquaintance Party ng publikasyong Ang Aks...
23/06/2025

Acquaintance Party, Isinagawa ng publikasyong Ang Aksyon

Idinaos ang Acquaintance Party ng publikasyong Ang Aksyon na pinangunahan ng mga mamamahayag mula sa ika-10 baitang sa Belmonte Building ng Flora A. Ylagan High School (FAYHS), kaninang umaga ng Lunes, ika-23 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Ipinakilala ng mga mamamahayag mula sa ika-10 baitang ang kani-kanilang mga kategorya at binigyang gabay ang mga bagong mamamahayag para sa pipiliin nilang kategorya.

Pahayag ng isang mamamahayag mula sa ika-10 baitang, "Isang pagkakataon ito upang mas makilala pa ng mga Journalists ang mga bagong henerasyon ng manunulat at mamamahayag."

Nakilahok nang maayos ang lahat at naging matagumpay ang ginanap na Acquaintance Party. Saad nga ni Punong Patnugot ng Ang Aksyon Markeanna Oliveros, "Happy ako na naitawid naming magkakasama yung Acquaintance Party, nakita ko rin yung effort ng mga g10 na walang ibang hangad kundi matuto yung mga grade 9, nakita ko naman yung enjoyment ng bawat isa".

✍🏻: Mark Jiuan Mallari
📷: Xofiya Nakayama

PBBM, Bumisita sa FAYHS para sa School Connectivity Drive              Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang...
21/06/2025

PBBM, Bumisita sa FAYHS para sa School Connectivity Drive

Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Flora A. Ylagan High School (FAYHS) noong Huwebes, ika-19 ng Hunyo 2025, para sa School Connectivity Drive.

Kasama na rito ang Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Henry Roel Aguda, DICT Assistant Secretary Atty. Marcelino Veloso, Mayor Joy Belmonte, at ang iba pang mga opisyales ng Department of Education (DepEd). Malaki ang pasasalamat ng FAYHS OIC-Principal Jastyne Cates Salazar sa Pangulo dahil isa ang FAYHS sa nabigyan ng Starlink internet connectivity.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng School Connectivity Drive na naglalayong magbigay daan sa digitalization sa mga paaralan, partikular na sa mga liblib na lugar.

Kumonekta rin online ang Pangulo sa kinatawan ng mga eskwelahan sa malalayong lugar at sa mga Geographically Isolated Disadvantaged Areas (GIDA).

✍🏻: Mark Jiuan Mallari
📑: Andrea Mae Cezar

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!!Ngayong ika-127 na Araw ng Kalayaan, ating ginugunita 'di lamang ang pagkakaroon ng kalayaa...
12/06/2025

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!!

Ngayong ika-127 na Araw ng Kalayaan, ating ginugunita 'di lamang ang pagkakaroon ng kalayaan at kasarinlan bagkus ay atin ding binibigyang-pugay ang mga Pilipinong buong tapang na lumaban para makamit natin ito.

Ang ating kalayaan na hindi lamang isang yugto ng kasaysayan bagkus ay alaala ng ating buhay na dapat pahalagahan, ingatan, at alagaan. 🦋

Buong pusong ipagmalaki ang ating kasarinlan at pinagmulan at laging isaisip at isapuso ang kabayanihan at sakripyong inalay ng mga magigiting at matatapang na Pilipino para maging malaya ang ating bansa, ang Pilipinas.🇵🇭❤️

Nakiisa ang publikasyong Ang Aksyon sa unang araw ng brigada sa Mataas na Paaralan ng Flora A. Ylagan ngayong Lunes, Hun...
09/06/2025

Nakiisa ang publikasyong Ang Aksyon sa unang araw ng brigada sa Mataas na Paaralan ng Flora A. Ylagan ngayong Lunes, Hunyo 9, 2025. Ito ang pagsisimula ng unang proyekto ng mga mamamahayag na may layuning makatulong sa pagpapabuti at pagpapaganda ng paaralan.🧹🪣


Floranians, handa na bang makiisa? Brigada Eskwela 2025 ay narito na! Makilahok sa Brigada Eskwela na magsisimula ngayon...
06/06/2025

Floranians, handa na bang makiisa? Brigada Eskwela 2025 ay narito na!

Makilahok sa Brigada Eskwela na magsisimula ngayong darating na Lunes, Hunyo 9 hanggang Biyernes, Hunyo 13 sa Mataas na Paaralan ng Flora A. Ylagan.

Samahan ang publikasyong Ang Aksyon at ang buong paaralan sa paglilinis ng kani-kaniyang silid-aralan, pagtulong sa pagpipinta, pagkukumpuni at pag-aayos ng kapaligiran, pati na rin sa pagpapanatiling ligtas at malinis ito para sa lahat. Huwag kakalimutan ang inyong mga kagamitan tulad ng walis at dustpan, at magsuot din ng komportableng kasuotan. KITA KITS FLORANIANS💗🫡

Isang espesyal na araw ang ginanap ngayong araw, isang pagkakataon upang magbigay-pugay at magpasalamat sa mga Senior Jo...
04/04/2025

Isang espesyal na araw ang ginanap ngayong araw, isang pagkakataon upang magbigay-pugay at magpasalamat sa mga Senior Journalists na patuloy na nagbibigay inspirasyon at gabay sa larangan ng pamamahayag.

Nais naming magpasalamat sa mga mamamahayag mula sa ika-9 baitang sa kanilang pagsisikap upang maisakatuparan ang aktibidad na ito at sa kanilang mga inihandang surpresa para sa kanilang mga seniors. Hindi rin magiging tagumpay ang araw na ito kung hindi dahil sa gabay ng aming mga School Paper Adviser na sina Gng. Michele P. Orpelata at G. Romeo G. Bulosan.

Ngayong araw din ay naipasa na ang mga korona sa susunod na Patnugutan ng Publikasyong Ang Aksyon, hangad namin ang inyong tagumpay sa tatahaking susunod na taong panuruan. Nawa'y maging inspirasyon kayo sa mga susunod pang mga mamamahayag na darating.

Isang malaking pasasalamat sa Patnugutan ng Publikasyong Ang Aksyon para sa taong panuruan 2024-2025 sa kanilang serbisyo, sakripisyo, at dedikasyon sa industriya ng pamamahayag.

PAGBATI SA LAHAT!💚

📸 Christian Joy Ladero
Xofiya Nakayama

MALIGAYANG KAARAWAN, GNG. ORPELATA! 🎉Ang iyong walang kapantay na dedikasyon, pasensya, at paggabay ay hindi lamang nagp...
23/03/2025

MALIGAYANG KAARAWAN, GNG. ORPELATA! 🎉

Ang iyong walang kapantay na dedikasyon, pasensya, at paggabay ay hindi lamang nagpa-husay sa mga kasanayan ng iyong mga mag-aaral kundi nagbigay inspirasyon din sa kanila na mangarap ng malaki at maabot ang kanilang buong potensyal. Nawa ikaw ay maging masaya at magkaroon ng pinakamagandang mga taon na darating—malusog na pangangatawan, kaligayahan, at mas marami pang pagkakataon na magpatuloy sa paghubog ng kabataang mamamahayag.

Pagbati sa The Stalwart sa pagkamit ng 4th place, Best Sci-Tech Page sa 2025 Search for Quezon City Outstanding School P...
25/02/2025

Pagbati sa The Stalwart sa pagkamit ng 4th place, Best Sci-Tech Page sa 2025 Search for Quezon City Outstanding School Publication.
Muli din naming binabati ang Siklab Kalidad, ang TV Broadcasting Team ng publikasyong Ang Aksyon sa pagkamit ng 5th place - Best Script Writing at 8th place Overall sa nakaraang DSPC.

Ang inyong pagsusumikap, dedikasyon, at pagtutulungan ay tunay na nagbunga,
Ang bawat isa sa mga gantimpala ay resulta ng paghahanda at sakripisyo na inyong nilaan; patunay lamang ng pagmamahal sa sinumpaang tungkulin bilang mga mamamahayag.

Isang espesyal na pagkilala kay Janine Presas sa pagpapakita ng kanyang talento at pag-uwi ng Unang Puwesto sa Pagsulat ng Editoryal sa nakaraang DSPC. Bukas, ika-26 ng Pebrero gaganapin ang pinaka hihintay na Regional Schools Press Conference!

Nais naming iparating ang aming pagbati at buong pagsuporta sa iyo. Salamat sa iyong mga sakripisyo at pagsusumikap, patuloy na magtiwala sa iyong sarili, at ibigay ang lahat ng iyong makakaya!💚

Taos-pusong pasasalamat din ang nais naming ipabatid sa mga g**o at mag-aaral na walang tigil na sumusuporta at nagtitiwala sa aming pahayagan.

Muli, Pagbati at Padayon mga Mamamahayag!

18/01/2025

Batch 2 - Grade 9

Address

Malakas Street Pinyahan
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Aksyon: Ang Opisyal na Publikasyon ng FAYHS sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share