TheFuture

TheFuture Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TheFuture, Media, Greenview Executive Village Fairview, Quezon City.
(4)

15/09/2025

NEWS ALERT: MGA KA-DWAN, RATSADA MUNA NG MGA MAIINIT NA BALITANG DAPAT NIYONG MALAMAN!



15/09/2025

COMMITTEE ON APPROPRIATIONS | Department of Agriculture (DA)

Opisyal nang nag-renew ng kontrata ang forward na si Zavier Lucero para sa Magnolia Chicken Timplados Hotshots nitong Sa...
15/09/2025

Opisyal nang nag-renew ng kontrata ang forward na si Zavier Lucero para sa Magnolia Chicken Timplados Hotshots nitong Sabado, Setyembre 13.

Ayon sa pamunuan ng Magnolia, isang 2-year maximum contract extension ang napagkasunduan matapos ang ilang linggong negosasyon.

Sa kanyang rookie year, nagtala si Lucero ng 14.9 points, 6.9 rebounds, 1.7 assists at 1.2 blocks per game—mga numerong nagpapatunay ng kanyang halaga sa koponan.

Muling bubuo ng lakas sina Lucero kasama sina Paul Lee, Ian Sangalang, at Mark Barroca sa ilalim ng bagong head coach na si LA Tenorio, habang target ng Hotshots na makabawi matapos hindi makapasok sa finals noong nakaraang season.

Nag-uwi ng panalo ang Philippine Sambo National Team matapos magtagumpay sa dalawang magkasunod na kompetisyon sa Asya a...
15/09/2025

Nag-uwi ng panalo ang Philippine Sambo National Team matapos magtagumpay sa dalawang magkasunod na kompetisyon sa Asya at Europa.

Tatlong medalya ang nasungkit sa Korea Open Sambo Championship sa Cheon-an, South Korea, kabilang ang gold medal ni Marwin Quirante sa 58kg combat sambo.

Samantala, nakakuha ng silver si Chino Sy Tancontian sa European Students Sambo Cup sa Serbia, habang bronze medals naman ang naiuwi ng UST athletes na sina Janry Pamor at Jeniva Consigna.

Kinumpirma ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagkakatukoy sa tatlong ghost flood control projects sa 1st Distri...
15/09/2025

Kinumpirma ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagkakatukoy sa tatlong ghost flood control projects sa 1st District ng Bulacan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P300 milyon.

Ayon kay Remulla, isa o dalawang kontratista ang posibleng sangkot at kasalukuyan nang iniimbestigahan ang naturang anomalya. | via Louisa Erispe/PTV

Nakasama natin kanina sa KALOGAN sina Jhoiz Abierra, CEO ng Charms & Crystals International, beauty queen, at award-winn...
15/09/2025

Nakasama natin kanina sa KALOGAN sina Jhoiz Abierra, CEO ng Charms & Crystals International, beauty queen, at award-winning entrepreneur, at si Sam Niverba, kilala bilang singer at songwriter 🎤✨

Salamat sa isang makabuluhan at masayang kwentuhan! 😄
Abangan ang kulitan at tawanan tuwing weekdays, 8:00–9:00 a.m. sa KALOGAN, dito lang sa DWAN 1206 AM! 📻

15/09/2025

PANOORIN NGAYON: "E.P.A.L (ETO PALA ANG LATEST)" kasama sina Ms. F - Fernan De Guzman at Joey Austria! Alamin ang pinakabago at pinakamainit na mga balita sa showbiz, dito lamang sa DWAN 1206 AM.The Future of AM Radio.



Inihain ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal...
15/09/2025

Inihain ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal sa mga kamag-anak ng mga opisyal ng gobyerno ang pagpasok sa anumang kontrata ng pamahalaan.

Layon ng hakbang na ito na palakasin ang transparency at integridad sa paggamit ng pondo ng bayan.

Matatandaang una na ring naghain ng kaparehong panukalang batas sa Senado si Senador Francis “Chiz” Escudero. | Via Kathleen Jean Forbes / RP1

Lumabas sa pinakabagong ulat ng UNICEF na mas mataas na ngayon ang kaso ng obesity kaysa sa pagiging underweight sa mga ...
15/09/2025

Lumabas sa pinakabagong ulat ng UNICEF na mas mataas na ngayon ang kaso ng obesity kaysa sa pagiging underweight sa mga kabataan.

Batay sa datos, 1 sa 10 kabataan o tinatayang 188 milyong indibidwal ang obese, ayon sa pamantayan ng World Health Organization (WHO).

Isa sa mga pangunahing dahilan nito ang madalas na pagkonsumo ng ultra-processed foods at malawakang marketing promotions ng mga pagkaing mataas sa asukal, asin, at taba.

Bilang tugon, isinusulong ng UNICEF ang pagpataw ng marketing restrictions at pagbabawal ng junk foods sa mga paaralan upang agad na matugunan ang lumalalang problema ng obesity.

TINGNAN | Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol ang schedule ng   ngayong Lunes, Setyembre 15, 2025, na m...
15/09/2025

TINGNAN | Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) sa Bicol ang schedule ng ngayong Lunes, Setyembre 15, 2025, na magtatagal ng isang linggo, upang maghatid ng mura at sariwang produktong agrikultural sa mga mamamayan.

Maaaring makabili ang mga residente ng prutas, gulay, at bigas sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, kabilang ang Camarines Sur, Sorsogon, Camarines Norte, Legazpi City, Masbate, at Albay.

(📷: DA-BICOL)

Address

Greenview Executive Village Fairview
Quezon City
1116

Telephone

+639175277806

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TheFuture posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TheFuture:

Share

Category